Wattpad Original
Mayroong 18 pang mga libreng parte

Chapter 2

2.3M 55.5K 23.5K
                                    

Paper balls

Jay-jay's POV

Dahil medyo late na ko naka-enroll sa klase, binigyan ako ng copy ni Sir ng mga naging lesson nila na na-miss ko. Buti na lang at hindi pa gano'n kalayo ang naging lecture nila.

English teacher si Sir Alvin at siya rin ang adviser ng Section E. Medyo naging pangit ang start ko sa class section na 'to pero sa ngayon, medyo tahimik na.

Binabawi ko na! Hindi pa ako natatahimik! Multo lang?

Kanina pa ko binabato ng papel dito sa pwesto ko. Maliit na binilog-bilog na papel lang 'yon. Kapag naman nililingon ko kung saan galing, patay malisya naman ang buong klase.

Ano ba?! Inaano ko ba kayo?!

Umabot kami sa sunod na subject at gano'n pa rin ang eksena. Nagkalat na yung mga papel sa paligid ko.

Kalma lang, Jay. Iniinis ka lang ng mga 'yan!

Muli akong nag-focus sa lecture. Kagaya ni Sir Alvin, binigyan din ako ng sunod na teacher ng copy ng naunang lesson.

Busy ako sa pagsusulat nang bigla kong naramdaman na may tumama sa buhok ko. Hinawakan ko 'yon at naramdaman ko agad ang.... basa?

Basang papel ang binato nila sa 'kin. Hindi na kailangang itanong kung saan galing ang tubig. Bibig lang ang fastest and easiest water source ng isang tao at ang dulas na medyo malagkit.

Yack! Eeewwww!

Agad akong kumuha ng tisyu at alcohol sa bag ko. Girl scout 'to, boy!

Natapos ang mga sunod naming klase at gano'n pa rin ang eksena. Punyeta!

Paglabas ng teacher, agad akong tumayo at humarap sa buong klase. Matalim ang naging titig ko sa kanilang lahat.

"SINO BA 'YANG BATO NANG BATO SA 'KIN?!" galit na sigaw ko.

Walang kumibo kaya magsasalita pa sana ko ulit nang biglang itaas ng lahat ang kamay nila. Lahat 'yon may lamang lukot na binilog na papel. Paper balls ang tawag do'n, yung bilog na bilog sa kakalukot at parang sinlaki ng mansanas.

Lahat sila naka-amba na sa 'kin. Patay!

Nakita ko si Keifer na nag-smirk. Tumayo siya at pumorma na parang babato sa baseball game.

Nanlaki yung mata ko sa itsura niya. Ano'ng pinasok mo Jay-jay?

Napalunok na lang ako at napapikit nang makita kong ibato niya yung paper ball sa 'kin. Matapos tumama sa mukha ko, sunod-sunod na ang paper balls na naramdaman ko.

"Aarrrggghhhh..." sigaw ko.

Hindi naman masakit pero hindi ako nakapalag at makagalaw sa sobrang dami. Kasabay ng pagbato nila ay mga tawanan.

"Sige pa!"

"Marami pa dito!"

Ang alam ko more than 15 lang sila pero bakit parang more than 100 yung bumabato sa 'kin?

"Aarrgghhhhh... Ano ba?!" sigaw ko sa kanila pero walang talab 'yon siyempre.

Wala akong nagawa kundi kuhanin ang bag ko at mabilis na tumakbo palabas ng room.

Hanggang pinto binabato pa nila ako pero tumigil din sila nang makalabas na ako nang tuluyan.

Hindi rin ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa makalayo ako sa mismong building.

Grabe sila sa 'kin! Sana pala hindi ko na lang sinagot yung Keifer na 'yon.

Lunch time naman na kaya naisipan kong dumeretso sa cafeteria para mag-lunch. Pumasok ako sa loob at pumila.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon