Sorry?
Jay-jay's POV
"Bitiwan mo ko! Sasapakin ko talaga yan!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sakin ni Keifer.
"Would you please stop!" Sigaw naman sakin ni Keifer.
"Hindi ako titigil!"
"Tingin mo maaayos to sa pagwawala mo?!"
"Hindi! Pero mawawala yung galit ko kapag nasapak ko yang babae na yan!"
Pilit akong kinalad-kad pabalik at isinakay ni Keifer sa kotse nya.
"Stay here! Ako na makikipag-usap!" Sigaw nya sakin at mabilis sya'ng umalis.
Narinig kong tumunog ang kotse nya pero hindi ko pinansin. Nang makalayo ang wala'ng hiya binubuksan ko yung pinto pero ayaw.
Nakalock ba to?
Wala nama'ng unlock dito sa pinto kagaya ng nasa kotse ni Aries. Panu to?
Kasalanan tong lahat nung babae'ng maldita na Imelda pala ang pangalan. Sya yung makabintang ng 'magnanakaw' kay Ci-N, wagas!
Pinuntahan namin sya ni Keifer. Hindi ko nga lang alam kung panu nya nalaman ang bahay nito'ng babae. Basta tumawag sya kay Rory----classmate namin----at nagtanung.
Binalak ni Keifer na bayaran yung babae para paaaminin. Kayalang maldita talaga yung Imelda. Nagalit pa samin at kung anu-anu pinagsasasabi.
Kaya ayun, nag-init ang ulo ko at sasampalin ko sana. Hinawakan lang ako agad ni Keifer at pilit inilayo.
Bagay sa kanya pangalan nya. Imelda maldita.
"Kainis!"
May ilang minuto rin siguro akong naka-upo sa loob ng kotse ni Keifer bago sya bumalik.
Sumakay sya agad at pina-andar ang kotse. Kahit hindi sya nagsasalita ramdam kong mainit ang ulo nya.
"Bwisit." Sabi nya.
Ay bigo!
Init ng ulo nya, obvious na ginalit din nung Imelda. Impakta yun! Isang sampal lang talaga, maligaya na ko.
"Anu na? Anu nang gagawin natin ngayon?" Inis na tanung ko sa kanya.
"Bumalik muna tayo sa school." Sagot nya sakin.
Ilang subject na yung hindi namin napasukan. Pisti kasi! Kapag nalaman pa sa bahay to makagalitan pa ko.
Bakit ba kasi? Bakit si Ci-N pa ang napagtripan ng kung sinong damuho? Kawawa yung bata.
Tahimik lang kami sa byahe ng may bigla ako'ng maalala.
"Keifer..." Tawag ko sa kanya. Hindi sya sumagot pero alam ko'ng narinig nya. "...Gusto ko lang sana itanung kung may napansin ka sa test paper ko nung pinasa mo yun kay Sir?"
Hindi sya sumagot. Ay baka hindi ako narinig. Nakatingin pa rin ako sa kanya, samantalang sya sa daan parin ang focus.
"I did that." maikli nyang sagot.
Hinintay ko kung duduktungan pa nya yung sinabi nya pero tumahimik na naman ang ulupong.
"Ang alin?" Tanung ko.
"I answer your test kaya ka nagka-grade."
Pakshet!
Napasinghap nalang ako bigla sa inis. Sira-ulo kasi tong gago na to. Wala ata sa katinuan ang isip nya.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?