Chapter 78

1.1M 41.6K 34.2K
                                    

Author's Note: The long long wait is over... Picture sa baba..

Festival Day 1

Jay-jay's POV

Sinong excited?! Wala... Super excited?! Meron.

Ako! Hahahaha... Excited na ko. Super duper, ngayon pa lang kasi makakapunta sa Festival ng school. Sa kwento sakin nila Ci-N, super saya daw talaga ng Celebration. Kaya eto, na-excite ang Lola nyo.

8am ang start ng parada. Pwede na kaming hindi umattend nun. Hindi naman daw kasi kami hahanapin. Kaya mga before 10am na kami pupunta.

Tumingin ako sa wall clock. 9:30 na, pero wala pa rin yung sundo ko. Tinignan ko yung cellphone ko kung may text sila kayalang wala pa rin.

Lumabas na ko ng bahay para dun sila abangan. Sakto namang paglabas ko ang paghinto ng kotse ni David sa harap ko.

"Sorry natagalan..." Sabi ni Ci-N na nakasilip sa bintana.

Sumakay naman ako agad. "Okay lang. Tara na!"

Pinaandar ni David ang sasakyan. Malayo pa pero naririnig ko na yung malakas na music galing sa school. Medyo traffic, sa dami na rin siguro kasi ng tao. Dinaig pa yung fiesta sa daan.

Malapit na kami sa gate ng school ng ihinto ni David ang kotse.

"Dito nalang tayo. Walang parking sa loob." Sabi ni David.

Sabay-sabay na kaming bumaba. Tama nga sila Ci-N ang saya nga tignan. Ang daming bisita galing sa ibang school.

"Wag kang lumayo samin." Sabi sakin ni David.

Medyo nauuna kasi ako sakanila. Sa sobrang excitement siguro. Kaya huminto ako para makasabay sa kanila.

Excited kasi eh.

"Saan mo gustong mauna pumunta?" Tanung nila sakin.

"Kumain muna tayo." Aya ko.

Nag-nod naman sila sakin. Pagpasok sa gate halos hindi mahulugan ng karayom ang school. Ang daming tao.

Biglang may nag-announce, dinig ng lahat yun dahil sa nakapaligid na speaker.

"Please proceed to the auditorium. The program will start in 10 minutes."

Nagsimulang maglakad yung mga tao papunta sa auditorium. Meron pinili nalang na hindi manood parang kami. Pinili nalang namin na kumain dito sa sushi house.

Maliit na stall lang to at parang galing convenience store lang ang sushi kaya hindi ganon kasarap.

"Si Calix oh.." sabi ni Ci habang nakaturo sa isang booth. "...pupunta ako dun." Bigla syang tumayo at tumakbo palapit kila Calix.

Pasaway talaga tong Ci-N na to. Pupusta ako, mag-aaway pa to. Manu hayaan nalang yung dalawa. Nagda-date kaya sila.

"Gusto mo ng inumin?" Tanung sakin ni David.

Nag-nod ako at agad syang nagpunta sa isang stall na nagtitinda ng shake. Nililigid ko lang yung mata ko ng biglang lumapit sakin si Kiko.

"Hi Jay!" Bati nya sakin.

Ngumiti naman ako bilang pagbati sa kanya. Naiilang ako, nag-iba na kasi yung tingin ko sa kanya pagkatapos nung sinabi sakin ni David.

"Mag-isa ka lang?"

"Kasama ko sila Ci-N at David." Sagot ko.

"Ahh... Wala pa naman sila baka gusto mong sumama sakin." Aya nya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon