Chapter 77

1.1M 42.3K 19.5K
                                    


Part of the Past

Jay-jay's POV

"Hoy! Bilisan mo nga!" Sigaw sakin ng Hari.

"Eto na! Eto na! Kala mo naman..." Sagot ko sa kanya at sumakay sa kotse nya.

Impakto tong Hari ng mga ulupong na to! Matapos magsasayaw at magkakanta sa harapan ko bigla nalang akong sinungitan.

Saltik!

Papunta kami ngayon sa Resto nila Eman. Magpaplano kasi kami para sa Festival. Kung bakit si Keifer ang sumundo sakin?-----hindi ko alam.

Si Yuri ang nagtext sakin pero sya yung dumating.

"Asan si Yuri? Kala ko sya susundo sakin?" Tanung ko sa kanya.

"Ewan ko! Muka ba kong Lost and Found para hanapan ng nawawala!" Pagsusungit nya.

Ay ang sungit! Dinaig pa yung babaeng may dalaw.

"Daming sinabi!" Pambabara ko.

"Tss."

Naku! Yan na naman yung mahiwagang 'Tss'. Nakaka-imbyerna talaga yan.

Hindi na ko nagsalita sa buong byahe. Baka sungitan na naman ako ng impaktong Keifer na to.

Baka may PMS.

Pagdating sa Resto de' Superhero---yun ang pangalan ng resto nila Eman---as usual, kumakain na naman sila.

Agad akong lumapit kay Ci-N at kumuha ng fries.

"Akin yan..." Sabi nya at nilayo ang fries.

"Damot ah!"

Lumapit si Keifer kay Yuri na nasa unahang table. Tinignan ko yung paligid kung kumpleto kami. Andito din si Denzel at mukang dito sya nagta-trabaho.

Kapareho kasi ng suot nya yung suot ng mga crew. Wala pa kong balita sa usap nila ni Grace. Basta ang alam lang namin nagta-trabaho na sya para sa Baby.

Sana nga lang magka-ayos na sila ni Grace.

Tumayo si Yuri sa harap kaya tumahimik na kami para pakinggan ang sasabihin nya.

"About sa Festival ang pag-uusapan natin! Una, yung mga sasali sa mga pa-contest! Ikalawa, yung task na pinapagawa satin!" Paliwanag ni Yuri at may tinulak na medyo malaking white board sa likod nya si Eman.

Kinuha nya yung marker sa gilid at nagsimulang mag-sulat.

"Monday..." Simula ulit ni Yuri at huminto sa pagsusulat. "...Monday ang parada, marka na simula na ng Festival! Dito rin ang araw kung saan lahat ng bisita galing sa iba't ibang school ay darating. Ipapakilala din ang kalahok na player sa program. Which mean walang contest."

Sa ilalim ng salitang Monday sinulat ni Yuri ang 'No Contest!', pero sa ilalim naman nun nilagyan ng 'Task!'.

Muling humarap samin si Yuri. "...sa task! Dahil next day ay pa-contest para sa Dance troops. Kahit hindi na sumama sa task yung mga kasali. Ibabawi nalang nila yun for the night."

Biglang tumayo si Keifer at lumapit kay Yuri.

"Unlike before, we will divide the duties into three groups. Mas maganda na rin to para makapagpahinga ang iba." Sinenyasan nya si Yuri.

Nagsimulang magsulat si Yuri sa white board ng oras at pangalan sa ilalim ng salitang 'Task!'.

"Patrol Duty will start by 7 pm and end by 7 am. First group, Calix, Rory, Eman, Kit, and Felix----7 pm to 11 pm. Second group, Ci-N, David, Yuri, me, Eren, and Jay-jay----11 pm to 3 am. The third group will be the rest of the class that I didn't mention. Garbage collecting will start when the program ends." Keifer explains.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon