Chapter 115

986K 37.6K 22.6K
                                    

Author's Note: Eto muna, before christmas meron na. Mga Dec. 23 or 24... Pasinsya na!

Christmas War

Jay-jay's POV

Malapit na ang pasko. Ang lamig ng simoy ng hangin. Parang lovelife ko lang.

Hindi ako bitter o anu. Naisipan ko lang talagang ikumpara yung lamig ng hangin.

Pero sa totoo lang, hindi ko maramdaman yung lamig na yun. Siguro kasi dahil sa pawis ko at sa bilis ng tibok ng puso ko.

Ikaw ba naman ang makipaghabulan, tignan ko kung hindi ka pagpawisan.

"Anu?! Kala mo kaya mo kaming lahat?!" Mayabang na sabi sakin ng pinuno ata nila.

Sinong sila? Yung mga lalaking bigla nalang akong hinarang sa kanto namin. Akala ko magtatanung lang sila pero hinawakan nila ko.

Natakot ako bigla, akala ko kasi mauulit yung kay Ram dati. Napilitan akong lumaban at ng makakuha ng pagkakataon mabilis akong tumakbo.

Yun nga lang na-corner nila ko sa isang eskenita. Lumaban pa rin ako, sa abo't ng makakaya ko.

Tatlo na!

Tatlo na yung napabagsak ko pero ang sakit na ng kamao ko. Ngayon ko lang napatunayan na ang tagal ko na palang hindi nakikipag-away.

Mabilis ng kumikirot yung kamao ko kapag nanununtok ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Pagod na yung katawan ko at ang dami nila.

Asar!

"Sumama ka nalang samin... Hindi ka naman namin sasaktan. Tatanungin ka lang namin tungkol kay Keifer." Mapang-asar na sabi nung isa.

Eto na naman po tayo!

Ganyang ganyan din yung kay Ram. Jusme! Wala akong balak ulutin yung pang-yayari na yun. Matinding troma ang naranasan ko dun.

"Ayoko!" Sigaw ko.

"Matigas ang ulo mo! Ha?!" sabi nung isa at bigla nalang nanguha ng tubo sa kung saan.

Shit!

Never pa kong nakipag-away ng may tubo. Anong laban ko dyan? Tang'na! Katapusan ko na ata.

"Miss... Tara na." Mahinahon na sabi nung isa sa kanila.

Unti-unti kong binaba yung kamao ko na kanina pa naka-porma sa harap ko. Bahagyang lumapit sakin yung huling nagsalita sa pagkaka-akalang sumuko na ko.

Pero agad ko syang sinapa sa muka. Bagsak at dumudugo na ang ilong nya.

Apat na!

"Tang'na!" Sigaw nung isa pa sa kanila.

Bigla nalang sumugod yung may tubo at hinataw yun pahampas sakin. Agad akong umiwas at ng makakuha ng pagkakataon, sinikmuraan ko sya.

Bagsak at wala syang tigil sa pag-ubo.

Lima na!

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Oo, nakikipag-away ako sa mga lalaki dati pero hangang tatlo lang ang kaya kong harapin.

Ngayon lang ako lumaban sa mahigit  sa tatlo.

Lahat sila nakatingin sa mga kasama nila na kung hindi nakaluhod sa sahig ay nakahiga naman at hirap tumayo.

Naririnig ko yung phone ko sa bag. Malamang hinahanap na ko nila Ci-N. Ngayon ang christmas party namin sa resto nila Eman.

Yun ang dahilan kaya nasa kanto ako at nag-aabang ng masasakyan.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon