Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 11

1.5M 46.6K 16.3K
                                    

Past

Jay-jay's POV

Natapos ang klase namin kay Ms. Smith pero hindi pa rin nawala ang mabigat na awra sa room. Nag-aayos na ako ng gamit nang mapansin kong parang hindi ako tinitingnan ng mga classmate ko. Dumadaan lang sila sa harap ko at ang malala pa, lahat sila seryosong-seryoso yung mukha.

Weird.

Anong meron ba kasi? Lumabas na ako ng room at naglakad kasabay ng iba pero... bakit parang nilalayuan nila ako?

Inamoy ko yung sarili ko, hindi naman ako amoy putok. Bakit kaya? Nakita ko si Felix at naalala ko yung chocolate sa bag ko. Madami pa naman 'to at wala din si Ci-N. Sa kaniya ko na lang siguro ibibigay.

"Felix!" tawag ko habang tumatakbo palapit sa kaniya.

Hindi siya lumilingon at tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.

"Felix!"

Halos maubusan ako ng hininga sa paghabol lang sa kaniya. Agad ko siyang hinawakan sa braso nang maabutan ko siya.

Nagulat ako nang bigla niyang tabigin ang kamay ko. Bakit?

"Uy. Gusto mo pa ba ng chocolate? Sayang kasi mga dala ko—"

"Sorry, Jay. Kailangan ko na kasing umalis," seryoso niyang sagot at mabilis na naglakad palayo sa 'kin.

Ano ba'ng nangyayari? Tungkol ba 'to sa middle name ko o sa pagiging pinsan ni Aries? Ano'ng meron na naman kasi?

Napansin ko si Keifer sa kalayuan. Nakatingin—hindi! Nakatitig siya at nakamamatay. Problema nito?

Nagtuloy na rin ako sa paglalakad pauwi. Mukhang nauna na si Aries. Hindi ko na kasi nakita kotse niya sa parking. Mas okay naman 'yon. Siya naman ang malilintikan kay Kuya dahil sa hindi pagsabay sa 'kin.

Pagdating sa bahay, tama ako! Nauna na nga si Aries. Nandito na siya sa bahay. Nakaupo siya sa sofa habang nakapatong ang paa sa center table at nanonood sa TV.

"Aries," pagkuha ko sa atensyon niya. Tiningnan naman niya ko pero binalik din agad sa TV ang tingin niya.

"Bakit?" bored niyang sagot.

"May ginawa ka ba sa Section E?"

Biglang nag-iba ang itsura niya. Para bang seryoso pero nando'n pa rin yung galit. Binaba niya yung remote at hinarap ako.

"Bakit mo tinatanong?"

Bakit nga ba? Kasi hindi na nila ako kinakausap at parang iwas sila sa 'kin nang malaman na pinsan kita... 'Yon lang naman.

Siyempre hindi ko sinabi 'yon. Hindi pa naman ako sure, eh.

"Wala naman... Natanong ko lang."

Tumaas ang isang kilay ni Aries.

Napakatalino ng sagot mo, Jay-jay.

"Hindi ako tanga, Jay."

"K-kasi parang nag-react sila nung nalaman nilang Fernandez ang middle name ko."

Tanggapin mo ang explanation ko! Please! Please!

Nagbuntong-hininga siya. "Baka hindi ako 'yon... baka si Kuya."

Wew. Talaga lang, ah!

"Sige. Akyat na ko," sabi ko at mabilis na umakyat papunta sa kwarto ko.

Nakakaintriga naman 'tong si Aries. Ano na namang kinalaman ni Kuya Angelo ro'n? Ano ba 'yan? Dagdag isipin pa 'tong si Aries sa 'kin. Hindi pa nga natatapos ang mga intriga sa room namin, sasali pa siya!

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon