Chapter 35

1M 38.4K 17K
                                    

Mica & Calix 4.0

Mica's POV

*Continuation of Flashback...*

Hindi sya dumating. Ilang beses ng ganito. May usapan kami na magkikita sa meeting place namin pero hindi sya dumating.

Hindi ko alam kung anu'ng ginagawa nya. Hindi rin sya sumasagot sa mga tawag at text ko. Napaparami din ang tsismis na meron sya'ng ibang babae.

Pero hindi ako naniniwala. Ibang Calix yun. Maraming Calix sa school namin, pero isa lang ang Calix ko at hindi sya yung Calix na sinasabi nila.

"Mica..." Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Ella.

Ngumiti sya sakin kaya ganun ang ginawa ko. Ganyan naman kami, hindi kailangan ng usap, tinginan at ngitian lang sapat na.

"Kamusta? Bakit ikaw lang andito?" Tanung nya habang nililigid ang paningin sa room.

"Hindi dumating si Calix eh." Sagot ko.

Umiwas ng tingin si Ella. Ramdam kong meron sya'ng gusto'ng sabihin. Siguro, sesermunan nya ko.

"Sabay nalang tayo mag-lunch." Aya nya sakin.

Ngumiti naman ako at tumango. Nami-miss ko na rin kasi sya. Lagi'ng na kay Calix ang atensyon ko nitong mga nakaraan. Dahil na rin siguro sa mga tsismis na umiikot sa school.

Tahimik lang kami'ng kumakain ni Ella. Medyo awkward pero okay na to. Ayoko ko rin kasi'ng pag-usapan yung isyu na yun.

"Alam mo... Umamin na sakin si Keifer." Sabi nya.

Napatigil ako at napatingin sa kanya.

"S-seryoso?"

Tumango sya sakin. "Bale, matagal na talaga pero magulo kasi sya kaya nito lang nya nilinaw ang lahat."

"Gusto mo ba sya?"

Yumuko sya at napakagat ng labi. "Oo."

"Eh bakit malungkot ka?"

Para kasi'ng ang lalim ng iniisip nya.

"Umamin din sakin si Yuri. Muka'ng yun din ang dahilan kaya hindi nag-uusap yung dalawa."

Napatigil ako. Kung mahirap ang sitwasyon ko mas mahirap kay Ella. Dalawang lalaki ang nagkakagulo ng dahil sa kanya.

"Anu'ng balak mo?"

Napatakim ng muka si Ella. "Hindi ko alam. Si Keifer ang gusto ko pero ayokong saktan si Yuri."

Mahirap nga yun. Ayaw mong masaktan pero ayaw mo di'ng makasakit.

Sana ganun nalang din yung problema ko.















"Wala nabang iba?! Yan na naman yung ulam?" Reklamo ni Calix habang tinutulak palayo yung baunan.

"Pero ito yung favorite mo, diba?"

"Noon, syempre mabilis ako'ng magsasawa kung lagi iyon ang ulam."

Niligpit ko yung baunan. "Ibibili nalang kita.."

"Wag na! Gastos lang yan!"

"Pero kailangan mo'ng kumain."

"Tsk! Busog pa naman ako. Hayaan mo na!" Sagot nya sakin at naglakad paalis.

Nito'ng mga nakaraan tuwing nagkikita kami lagi nalang mainit ang ulo nya. Hindi na rin nya ko tinatawag na Baby. Meron na nama'ng panibagong tsismis tungkol sa kanya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon