Crush
Jay-jay's POV
Na-stroke yata ako! Muntik na akong hindi makagalaw kanina. Buti na lang tinawag na ako ni ateng tindera. Baka hindi na ako nakagalaw nang tuluyan sa harap n'ong Kiko na 'yon.
Bakit ba may mga gano'n kagwapong nilalang?
OA man yung pagkagwapo na sinasabi ko. Gwapo kasi talaga!
Yung kulot na medyo mahaba niyang buhok, mahabang pilik-mata, kulay brown yung mata, jaw line that fits perfectly on his face, kissable lips, and samahan pa ng tanned color niya.
Ahh daba? Gwapo? Napapa-English pa ako sa pag-describe!
Kasalukuyan akong nasa second floor ng building ng Section E. Sa dating pwesto ko. Kumakain akong mag-isa rito. Hindi ko alam kung saan pumwesto si Ci-N. Pagkaabot ko kasi sa kaniya ng pagkain, mabilis pa siyang tumakbo kay FLASH paalis. Kakaibang bata!
Tapos na akong kumain at nililigpit ko na yung baunan ko. Tutal maaga pa naman, naisip kong silipin yung mga kwarto rito sa second floor. Na-curious lang ako sa kung ano'ng meron dito bukod sa basura.
Apat yung mga kwarto rito na may tig-dadalawang pinto. Marumi na yung mga kwarto, basag-basag yung mga jalousie, sira-sira na rin yung mga lamesa at bangko. Pwede pa rin naman sanang pakinabangan kung aayusin lang at papalitan mga gamit.
Pumasok ako sa isa sa mga room. Maraming nagkalat na papel sa sahig. Lalabas na rin sana ako para silipin yung kabila nang may mapansin akong sobre na kulay pink at may heart design sa sahig. Ang cute kasi ng pagkakaayos niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi pakialaman.
Pinulot ko 'yon at pinagpag. Makapal na kasi yung nakabalot na alikabok. Binuksan ko yung sobre at nakita kong may sulat pa sa loob.
Hindi naman sa pakialamera ako pero nangangati kasi yung utak ko na malaman yung laman. Saka isa pa, wala namang may-ari nito. Kung meron, bakit iniwan dito? Ibig sabihin, ayaw na niya. O pwede ring hindi natanggap nung dapat makakatanggap. Hmpf! Bahala na nga!
Buksan ko na lang!
Stationary pa yung gamit nung nagsulat at halatang babae dahil sa ganda ng pagkakasulat.
Dear Calix,
HAPPY MONTHSARY!! I ❤ U
Pasensya kana ito lang nakayanan ko para sa monthsary natin. Pinag-iipunan ko na kasi yung gusto mong sapatos, at promise ko sa 'yo na 'yon yung ibibigay ko sa 'yong regalo sa birthday mo.
Gusto ko sanang sabihin sa 'yo 'to nang personal kaya lang natatakot ako kasi lagi kang galit kaya idadaan ko na lang sa sulat.
Calix, nagpapasalamat ako sa 'yo kasi ako yung pinili mo sa dami ng naghahabol sa 'yo at kahit sikreto to, masayang-masaya ako. 'Wag kang mag-alala kasi hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na iba talaga yung girlfriend mo at marami kang babae. Mahal na mahal kita at malaki yung tiwala ko sa 'yo.
Sa totoo lang, minsan, naiinis na ako sa 'yo kasi minsan na nga lang tayo magkita, hindi mo pa ako pinapansin pero siyempre, hindi naman kita matitiis. Lagi mong tatandaan na kahit anong galit or inis ko sa 'yo, isigaw mo lang na mahal na mahal mo ako, mawawala lahat ng 'yon.
Happy monthsary ulit!! I ❤ You!
Mica 😘
Bakit parang pamilyar 'tong Calix? Classmate ko yata 'to, eh! Ewan! Hindi ko pa naman kasi sila gano'n kilala. Kahit kaunti lang sila, nakakatamad ding alamin pangalan nila, ah. Malalaman ko rin naman siguro 'yon sa mga susunod pang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/78727611-288-k900133.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMuling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Season One of Ang Mutya Ng Section E *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa g...
Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte