Chapter 37

1.1M 43.5K 35.9K
                                    

Author's Note: May kwento ako.. kahit hindi nyo pansinin, kukwento ko pa rin. Hahahahaha.. 10 Chapters ahead na kasi ako, kapag ka sobra sa 10 marami akong ina-update. Ginawa ko to para in case na ma-writers block, meron pa rin akong ma-update. Kayalang ilang araw na ko walang maisulat kaya natagalan. At hindi ko pa rin nababawi yung 10 chapters. Balik muna sa 2-3 chapters update...

Narinig nyo na yung Jupiter's Auroras Sound pati Saturn's Sound Cassini... Sakit kasi sa tenga, ang creepy pa. Share ko lang.

+++++++++++++++++++++++++++++

Baby

Jay-jay's POV

Late na ko pumasok. Pinag-tataguan ko kasi si Aries. Nag-away nga sila ni Ella sa labas lang ng bahay. Pagbalik ni Aries ako agad yung hinahanap nya sa mga maid.

Nasa kwarto na ko nun at nagkukulong. Ni-lock ko'ng mabuti yung pinto ng kwarto. Baka kasi sa sobra'ng galit nya sakin, ibalibag nalang nya ko.

Pagpasok sa room ng Section E, nakita ko si Calix na nakadukdok sa lamesa nya. Naalala ko bigla yung mga kinuwento ni Mica sakin.

Humarap ako sa pwesto ko at nakita ko si Ci-N na nakangiti sakin. Agad din ako'ng ngumiti sa kanya at....

"Hi Baby!" Bati ko kay Ci-N.

Agad ako'ng tinignan ng mga ulupong ko'ng classmate. Dahil likas na abnormal itong si Ci-N....

"Hello Bey-by!" Balik nya'ng bati sakin habang naka-todo smile.

Si Calix talaga ang pinaparingan ko sa ginagawa namin. Si Ci-N ang nagkwento sakin na Baby ang endearment nila ni Mica. Kaya ito, may kalokoha'ng pumasok sa isip ko.

Effective naman, dahil masama na ang tingin sakin ni Calix. Nakita ko si David na nakaharap sa phone nya.

"Hi David... Baby!" Bati ko dito.

Bigla nalang namula si David at umiwas ng tingin.

Hahaha...

Napatingin ako kay Yuri at Keifer na pareho'ng nakatitig sakin. Expressionless or poker face lang ang drama nila.

Problema nito'ng mga to?!

Inirapan ko nalang sila at naupo na sa trono ko. Katabi ng dalawa'ng knight ko. Kasi naman, tatlo lang kami dito sa gitna at lahat sila sa dulo at gilid.

Atleast nag-improve. Dati ako lang.

Busy ako sa pakikipag-kulitan kay Ci-N ng bigla nalang tumahimik ang lahat. Literal na tumahimik na para'ng may dumaan na anghel.

Niligid ko naman yung mata ko, baka meron nga hindi ko lang nakita.

Yung mga nakatayo sa may pinto na nagpo-Pokemon Go unti-unti umatras at gumilid. Unti-unti ring pumasok ang isa'ng babae.

Ella.

Huminto sya malapit sakin. Kahit hindi nya sabihin, dama ko'ng takot sya. Hindi ko nga lang alam kung saan o kung kanino.

Ngumiti sya sakin. "P-pwede ba kita'ng makausap sa labas?" Tanung nya.

Napalingon ako kay Keifer at Yuri. Na nakatingin samin----mas tama ata'ng sabihin na nakatingin si Keifer kay Ella at si Yuri nakatingin sakin.

Binalik ko yung tingin ko kay Ella. Ngumiti ako at nag-nod.

Una sya'ng lumabas at nakasunod lang ako. Medyo lumayo kami sa room, kasi obvious naman na makiki-tsismis yung mga ulupong na yun.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon