Deal
Jay-jay's POV
Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Bukod sa tinitignan ko yung oras, tinitignan ko din kung nagtext na si Percy. Pero wala akong makita na bago sa phone ko.
"Kinakabahan kaba?" Mapang-asar na tanung ni Ci-N.
Akala nakalimutan na nya yung usapan namin. Tungkol sa 100 na score nya. Kampanteng kampante sya na makakakuha sya nun.
"Hindi... May iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya.
"Iniisip mo kung panu sasabihin at hahalikan yung type mo?" Tanung nya habang tumataas baba ang kilay.
Ay punyemas...
Ngayon ko lang naalala na ganun nga pala yung kasunduan namin. Oo nga, panu ko gagawin yun?
Wala pa naman yung result, baka pwede ko pang bawiin yung Deal namin.
"Ci.." tawag ko sa kanya. "..Alam ko namang matalino ka. Tanggap ko ng makaka-100 ka." Sabi ko habang nakangiti.
Ngumiti sya ng nakakaloko. "Hindi mo ko mauuto... Ang usapan ay usapan."
Kingina!
Wala na kong lusot. Hindi na ko pwedeng umatras. Kainis naman!
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Yung number 1 lang.
"Punta muna ko CR." Paalam ko kay Ci-N.
Hinayaan naman nya ko. Mabilis akong tumakbo papunta dun at kagaya ng lagi kong ginagawa. Sinisilip ko lahat ng cubicle at binibilisan ko din ang kilos ko.
Naglakad na ko pabalik at sakto namang nakasabay ko pa si Drew. Classmate namin.
Tinignan naman nya ko at nginitian. Ganyan naman yan, sa 16 na classmate ko sila-sila ni Josh at Blaster yung tahimik. Minsan nakikipag-talo sakin pero madalas taga-obserba lang sila.
"Jay..." Tawag nya sakin. Bigla syang huminto kaya naman huminto din ako. "...uhmmm, pwede ba kong humingi ng favor?"
Ngumiti naman ako sa kanya at nag-nod.
Napahimas sya ng batok. "Kasi Jay... A-alam kong nakakahiya pero kailangan lang eh."
"Anu ba yun? Hanga't kaya ko tutulungan kita."
"P-pwede ba kong... Pwede ba kong manghiram ng pera sayo?"
Anu? Nabinggi yata ako!---charot!
"A-anhin mo yung pera?" Alanganing tanung ko.
"Kailangan lang eh."
"Magkanu?" Tanung ko.
"5,000" mabilis nyang sagot.
La! Aabot kaya yung pera ko dyan?!
"K-kelan mo kailangan?"
Anu ba tong pinasok ko? Hindi naman ako yayamanin. Pag-talaga usapang pera parang ayaw umandar ng utak ko.
"This week sana."
Hindi ko alam kung aabot yung pera ko. May naitabi naman ako plus yung allowance ko. Pero syempre baka magkaroon ng biglaang gastos.
Tss. Bahala na nga!
"Sige... Bigay ko sayo tom or next day." Sabi ko.
"Salamat Jay!" Sabi ni Drew at ngumiti sakin.
Wala namang masama kung magpahiram ako. Kailangan naman nung tao.
Sabay na kaming naglakad pabalik sa Room. Napatingin ako kay Keifer. Busy sya sa pakikipag-usap kay Yuri. Bigla nalang syang napatingin sakin kaya agad akong umiwas.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?