Rain Rain
Jay-jay's POV
"🎶..oh ulan bumuhos ka, wag ng tumigil pa. Hatid mo ay bagyo dalangin ito ng puso ko'ng nagliliyab. Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwaaa. Tuwing umuulan at kapiling kaaaa....🎶"
Abnormal talaga tong mga Section E. Ang lakas-lakas na nga ng ulan, kanta pa ng kanta. Mali-mali naman ata ang lyrics nila.
Hay ewan...
Bakit kaya umulan? Umaaraw naman kanina. Tirik na tirik pa nga eh. May sapi din kaya yung panahon? Parang si Keifer na tuwing titignan ko kundi ngingiti, iirap naman.
Lakas ng Sapi!
Bakit ba ko tumitingin sa kanya? Ewan ba!
"Anouncement!" Napatingin kami kay Kit na nasa pinto. "Kanina pa pinauwi yung mga higher Section. Wala na daw klase."
Wala man lang nagsabi samin. Samantalang kanina pa kami antay ng antay.
"Nakuh! Huli na naman tayo sa balita."
"Anu pa nga ba?"
"Hindi naman tayo priority kaya ganun."
Ganun? Para kaming hindi kabilang sa school na to. Kung kanina pa sila pinauwi, ibig sabihin nakauwi na si Aries.
Wala ka'ng masasakyan.
Badtrip! Sana naman tinext nya ko. Nagtext pa naman ako sa kanya kanina.
Sabagay, baka hindi talaga ako isabay nun. Hindi naman kami masyado'ng nagpapansinan. May Sapi din kasi yun, parang si Keifer.
Tutal nabanggit ko na, come to think of it. Magkaka-ugali si Keifer, Yuri at Aries, hindi kaya magkakamag-anak yung tatlo.
Ano mo sila Jay?
Ay oo nga pala. Ako nga pala ang kamag-anak ni Aries, hindi yung dalawa na yun.
"Dyan ka nalang?"
Nagising ako mula sa pag-iisip. Si Yuri nakatayo sa pintuan. Mukang isasara na nya kaya dali-dali ako'ng tumayo at tumakbo papunta'ng pinto.
"Pasensya na." Sabi ko habang nakangiti.
"Tss!"
Keifer talaga sya oh!
Pati yung Tss kuha nya. Feeling ko magkalahi sila.
Hindi muna ko umalis. Hinintay ko muna sya'ng matapos sa pag-sasara ng pinto. I-interviewhin ko lang sya sandali.
Matapos yung ginagawa nya sa pinto, na pag-lock lang naman. Humarap sya sakin.
"HOO! ANU BA?!" Sigaw nya. Mukang hindi sya aware na nasa likod lang nya ko. Gulat na gulat eh.
Hindi ko mapagilang hindi tumawa dahil sa itsura nya. "Hahahahaha.. Sorry."
"Umuwi ka na nga!"
Nag-umpisa na syang maglakad at nakasunod lang ako.
"Yuri! Magkamag-anak ba kayo ni Keifer?"
Napahinto sya at tinignan ako. "Hindi. Bakit?"
"Magka-ugali kasi kayo. Pareho kayo'ng may sapi."
Nagsalubong na agad ang kilay nya. Nainis yata sa sinabi ko. Inayos muna nya yung salamin nya sa mata bago mag-cross arm.
"Sapi? Sapi talaga?!" Iritable nyang tanung.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
Tiểu Thuyết ChungMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?