Chapter 40

1M 48.2K 24.1K
                                    

Good or Bad News

Jay-jay's POV

"Buksan mo na!" Atat na utos ko kay Calix.

"Kinakabahan ako ih!" Sagot nya sakin.

Tinitigan ko sya ng masama. Eto na yung pagkakataon nya para malaman yung desisyon ni Mica tapos ayaw naman nya'ng tignan. Abnormal!

Matapos ako'ng kausapin ni Mica kanina. Buong ngiti nya'ng inabot sakin ang sulat. Naki-usap sya'ng ibigay ko kay Calix at duon naka-lagay ang desisyon nya.

Agad ko'ng binigay kay Calix yun at hinatak ako papunta'ng second floor ng building ng Section E. Kaya eto kami ngayon. Muka'ng tanga na nagpipilitan.

"Ako nalang magbubukas!" Sabi ko at pilit inagaw ang sulat.

Agad nama'ng inilayo ni Calix ang sulat sakin. "Ayoko! Ako dapat!"

"Bilisan mo na kasi..." Paki-usap ko sa kanya.

"Eto na nga!" Sagot nya.

Unti-unti nya'ng binuksan ang sobre. Kinuha ang sulat at binuklat ito mula sa pagkakatupi.

Pa-thrill naman to!

Hinintay ko ang sasabihin nya. Nakatitig pa rin sya sa sulat ng bigla nalang tumulo ang luha nya.

Shit!

Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Tuloy pa rin sya sa pagbasa at tuloy tuloy din ang pagluha nya. Gusto ko'ng mag-sorry, pero para saan naman.

Natapos nya'ng basahin ang sulat unti-unti nya'ng binaba yon. Nakatulala lang sya at lumuluha pa rin.

"Calix..." Tawag ko sa kanya.

Tinignan nya ko at bigla sya'ng ngumiti. Hindi ko alam kung nababaliw naba sya o pinipilit lang talaga pasayahin ang sarili.

"Hahaha... S-salamat Jay!" Sabi nya.

Kinakabahan ako dito kay Calix. Feeling ko nabaliw na talaga sya.

"Jay! B-binigyan nya ko ng chance!"

Pagkasabi nya nun, napatalon nalang ako at napa-palakpak. Alam kong OA pero kasi nag-expect na ko ng kabiguan.

Pinunasan ni Calix ang luha at tumawa. Nawala na yung malungkot na awra. Para'ng okay na ang lahat ulit.

"Wag mo ng sasaktan ulit si Mica ah! Sakin kana malilintikan!" Banta ko sa kanya.

Tumawa lang sya ng tumawa. Masaya ako para sa kanila. Hindi na ulit iiyak si Calix at hindi na rin kailangang tiisin ni Mica ang lahat.

Dapat ko na talaga'ng maka-usap si Aries. Kailangan na nya'ng tigilan si Mica at parusahan ang dapat parusahan.

Bumalik na kami sa room ng may buong galak. Kahit mga classmate namin napansin yung ngiti ni Calix. Binigay naman nya ang maganda'ng balita.

Hindi na ko makapag-hintay na maka-harap si Aries.

Natapos ang klase. Mabilis pa sa alas kwarto ang naging kilos ko. Lakad takbo rin ang ginawa ko para makauwi agad sa bahay.

Yun nga lang, wala pa ang Aries. Hinintay ko sya sa pinto para masiguro na hindi kami magkakasali.

May isa'ng oras na siguro ako dito sa pwesto ko pero wala pa rin. Hangang sa narinig ko yung busina ng kotse sa labas.

Excited ako'ng hinintay na maka-garahe ang kotse.

Ayan na! Ayan na!

Bumaba ang Aries at tinignan ako ng masama. Papasok na sya sa loob ng harangin ko sya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon