Chapter 86

1M 37.8K 19.1K
                                    

Festival Day 5

Jay-jay's POV

7:35am. Ang aga ko nagising kahit late na ko nakatulog. Hindi kasi mawala sa isip ko si Cyrus. Sana pala sumama nalang din ako sa pag-patrol kung alam ko lang na ganto yung mangyayari.

Nag-ring yung phone ko kaya agad kong hinanap kung nasan yun. Sa ilalim ng unan ko sya nakita. Si Ci-N ang tumatawag sakin.

"Hello?" Sabi ko pagsagot sa tawag.

["Peram nga ako ng bra mo."] Bungad ni Ci-N sakin.

Gago men!

"Sira ulo kaba?!"

["Ayaw akong pahiramin ni Ate ko. Nagagalit sakin!"]

"Magpatulong ka kila Eren! Wag ako ang kulitin mo!" Sigaw ko sa kanya at pinatay yung phone.

Aga-aga kasi, gagalitin ako. Bumangon na ko at dumiretso sa banyo. Naghilamos na at nagsipilyo. Inipitan ko rin ang buhok ko.

Kagabi ko lang napansin na humahaba na pala yung buhok ko. Dati hangang balikat lang pero ngayon lagpas na at halos umabot na sa bewang.

Pagbaba ko, nasalubong ko pa si Kuya Angelo.

"Nagpunta daw dito yung parents ni Cyrus?" Tanung nya sakin.

"Oo.. tinatanung kung pwede ko daw puntahan si Cyrus." Sagot ko sa kanya.

"Pupunta kaba?"

Umiwas ako ng tingin at napakagat sa ibabang labi ko. Baka kasi hindi nya ko payagan kapag sinabi ko yung totoo.

"Kung pupunta ka, siguraduhin mong may kasama ka." Sabi nya at umalis sa harapan ko.

Hindi ko nga alam kung tutuloy pa ko. Kinakabahan kasi ako. Dumiretso na ko sa kusina at kumuha ng kakainin.

Pagkatapos mag-almusal bumalik ako sa kwarto at inayos yung mga gagamitin mamaya. Alam kong susunduin ako nila David mamayang 8:30am.

Biglang nag-ring yung phone ko. Si Ci-N ang nasa isip ko na tumatawag sakin pero iba yung nakalagay sa phone.

Sinagot ko yung tawag at hinintay na magsalita yung nasa kabilang linya.

["Jay-jay? Mom ni Cyrus to! Baka pwede mo ng puntahan yung anak ko ngayon?! Please!"]

Nanay ni Cyrus. Umiiyak sya at mula sa kabilang linya naririnig ko na nagkakagulo sila. Para bang may nagwawala na nakiki-usap.

"K-kasi po... May gagawin po ako ngayon." Sagot ko.

Bakit ngayon pa? May laban ako. Hindi ako makakarating ng 1pm baka ma-disqualified kami.

["Jay... Please nakiki-usap ako!"] Paki-usap nya at mas lalung lumakas ang pag-iyak.

Anong gagawin ko?!

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Bahala na!

"S-sige po. Pupunta na ko." Sagot ko.

["S-salamat!"]

Namatay na yung tawag. Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. Mapapatay ako nila Keifer kapag hindi ako nakarating sa oras nito.

Agad akong naligo at nag-ayos. Nagtext na rin ako kila David at sinabing pupunta nalang ako dun.

Lumabas ako ng bahay ng hindi nagpapa-alam kay Kuya. Hindi nya ko papaalisin ng walang kasama. Itetext ko nalang siguro sya.

Sumakay ako ng taxi at nagpadiretsong terminal ng bus. Suntok sa buwan tong gagawin ko.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon