Mica & Calix 2.0
Calix's POV
*Continuation of Flashback...*
Nakita ko sya. Si Mica, kasama nya yung mga classmate nya. Section A pala sya.
Gusto ko tong pwesto na to sa puno. Kita'ng kita ko sya pero hindi nila ko nakikita. Ewan ko kung bakit ginagawa ko to. Ang pagmasdan sya mula sa malayo.
"Hoy Calix!" Sigaw ni David.
Kanina pa kasi sya nakatingin sakin. Pinapababa nya ko pero hindi ko sya sinusunod. Gusto ko dito bakit ba nakiki-alam sya?
"Bakit ba?!" Iritableng sagot ko sa kanya.
"Gusto mo'ng kaladkarin kita pabalik sa room?!"
Bwisit tong David na to. Kundi lang class president to sinapak ko na to. Bumaba ako mula sa sanga ng puno.
"Eto na.. pabalik na."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. Mabilis akong naglakad pabalik sa room.
Sinalubong ako ng nakasibangot na Ella.
"Anyare sayo?"
"Wala!" Sagot nya at nag-cross arm.
"Bakit ba?! Anu na naman bang nangyari?"
"Si Yuri kasi... Bigla nalang ako'ng sinungitan! Tapos tinawag pa ko'ng Baka! Muka ba kong baka?!" Pagmamaktol nya.
Ang alam ko hindi Baka na hayop ang tinutukoy ni Yuri. It's a Japanese word, i just don't remember the exact meaning of it.
"Yaan mo na sya..." Sabi ko at ginulo ang buhok nya.
"Nga pala... Pinapabigay ni Mica sayo." Sabay abot ng panibago'ng sulat.
Pang-sampu na ata ito. Patuloy lang sya sa pagbigay ng love letter sakin. Ayoko mang aminin but i feel excited and happy everytime that i receive her letter.
"Sige salamat..." Sabi ko at kinuha yung sulat.
May pagkakataon din na iniiwasan ko si Mica. Baka kasi makahalata sya at yung iba na nalilibang ako sa mga sulat nya. Hindi sa kinakahiya ko pero kasi.... basta!
"Inaano mo ba yang sulat na yan? Kala ko ba ayaw mo ng love letter?" Tanung ni Ella.
Napaiwas ako ng tingin. Anu idadahilan ko? Baka makahalata si Ella.
"A-anu.. P-pang.."
"Anu?"
"Pampilapil..."
Uwian...
Nakatago ako sa likod ng isa'ng kotse. Pinag-mamasdan ko lang si Mica na nakatayo sa tabi ng gate. Alam kong ako yung hinihintay nya.
I just don't understand, why is she with Mykel and Kiko? Nakikipag-ngitian lang sya dito. Kaasar!
May ilang minuto din siguro silang andun. Hangang sa dumilim na at umalis na yung dalawa. Wala ng tao sa school pero andun pa rin si Mica.
Bakit hindi kapa umuuwi?
Tanging ilaw nalang ng poste yung kasama nya. Haaaayyyy... Ayoko sanang lumapit pero kailangan eh.
"Bakit andito kapa?" Bungad ko sa kanya.
Medyo nagulat pa sya pero agad na yumuko. "A-anu kasi..."
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?