Chapter 97

1M 38.1K 17.6K
                                    

Answers

Jay-jay's POV

"Ayos ka lang ba?" Tanung sakin ni Ci-N.

"Okay nga lang ako... Pang-sampu mo na atang tanung yan?" Sagot ko sa kanya.

"Kasi naman... Kanina kapa hindi mapakali at panay din ang tingin mo sa oras."

Buhat kasi ng marecieve ko yung text. Hindi na ko mapakali at parang may kung anu sakin na gusto ng umuwi.

Kinakabahan din ako at nae-excite. Pakiramdam ko sobrang bagal ng oras.

Napatingin ako kay David na hinihimas ang ulo nya. Pilit din nyang minamasahe ang braso nya.

"David..." Tawag ko sa kanya. "...Sorry ah? Ikaw tong napagdiskitihan nila."

"Ayos lang... Medyo masakit nga lang yung katawan ko." Sagot nya sakin at ngumiti.

"Babawi nalang ako sayo next time."

Bigla nalang dumamba si Ci-N sa lamesa ko.

"Anu yang usap-usap na yan? Wag kayong nag-uusap!" Utos nya samin.

Tinignan ko sya ng masama. Para kasi silang mga aning. Pagbalik nila dito sa room pilit nilang pinapalayo si David ng upuan. Ayaw naman silang intindihin nitong isa.

Buti na nga lang hindi sya nagalit sakin. Nahihiya tuloy ako sa kanya.

"Jay! Sama ka samin mamaya." Aya sakin ni Kit. "..Kakain kami ice cream."

Ice cream!! 😢

Gusto ko! Gustong gusto ko, kayalang may mas mahalaga akong lakad.

"H-hindi ako pwede eh." Sagot ko sa kanya.

"Bakit? May pupuntahan ka?" Tanung ni Ci-N at bigla nalang tinignan ng masama si David. "...May lihim ba kayong lakad nito?"

"Wala." Bored na sagot ni David.

"May importante akong pupuntahan." Sagot ko.

"Saan? Pwede ba kong sumama?" Tanung ni Ci habang naka-pout.

Umiling ako dahilan para mag-puppy eyes sya. Hindi tatalab sakin ngayon yan. Pasensya na.

"Hindi eh... Sarili ko kasing lakad yun."

"Hindi naman delikado yang pupuntahan mo?" Tanung ni David.

"Hindi naman... Makikipag-kita lang ako sa kakilala."

Nag-nod lang sya sakin bilang pagtanggap ng sagot ko. Pero hindi kumikibo si Ci-N at Kit. Malakas ang pakiramdam ko na may iniisip na kalokohan tong dalawa.

Tumunog yung bell, indikasyon ng uwian na. Kaya eto ako, mabilis na niligpit yung gamit ko.

"Mauna na ko sa inyo! Bye!" Sigaw ko habang naglalakad palabas ng room.

Hindi ko na narinig ang mga sinabi nila. Lakad takbo ang ginagawa ko makarating lang agad sa gate ng school. Pagdating dun, pumara kagad ako ng taxi.

"Sa Mall po Kuya." Sabi ko sa driver pagka-sakay ko.

Hindi ko mapigilan yung excitement na nararamdaman ko. Pero pakiramdam ko ayaw makisama ng mga tao sakin.

Dahil rush hour ngayon. Ayun! Traffic.

Argh! Anu ba?!

Panay din ang silip ko sa phone ko. Baka kasi nagtext na sya ulit. Sa bawat minuto na umaandar lalung bumibilis yung tibok ng puso ko.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon