Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 19

1.3M 41.7K 14K
                                    


Punish

Jay-jay's POV

Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako sa kanila.

"Lumabas ka dito!" sigaw nung pinakamaarte at mukhang leader sa kanila.

"Ang kapal ng mukha mo!" sabi naman nung sunod na maarte.

"How dare you?!" galit na sabi nung huli sa maarte.

Kulang sila. Wala yung naiiba. Apat sila kanina, tatlo na lang ngayon. Akala naman nila lalabas ako.

"Pasukin niyo na lang kaya..." suggestion ni Kit.

Yari talaga sa 'kin 'to!

"Eeww... No way! Your room is full of dirt and bacteria," sagot nung leader. Kaya pala pinapalabas akong pilit. Ayoko nga. Bakit ako—

May humawak sa braso ko at pilit akong kinaladkad palabas.

"Harapin mo yung gulong pinasok mo," sabi ni Keifer.

Dere-deretso kami sa labas kaya naman lumapad ang ngiti nung tatlong coloring book.

"You! You're so makapal!" sabi nung leader nila habang naniningkit yung mata sa 'kin.

"Kailangan niyo 'yon... Para sa mga mukha niyo," sabi ko na parang nag-aalala talaga para sa kanila.

Dinig ko yung tawa ni Kit na pinilit niyang itinatago. Mabilis siyang nakakuha ng matalim na titig galing sa tatlo.

"You come with us!" sabi ulit nung leader at hinawakan ako sa braso.

Ang higpit ng hawak niya, feeling ko bumabaon yung kuko niya. Kasalanan 'to ni Keifer. Sana hinayaan na lang niya ko sa loob.

"Aray! Masakit!" reklamo ko habang nagpupumiglas.

"Mas lalo kang masasaktan mamaya!" sabi nung sunod na pinakamaarte.

Napalingon ako sa likod at nakitang sumusunod ang Section E. Aba! Mukang balak pa nila manood sa gagawing eksena ng mga coloring book sa 'kin.

Huminto kami sa harap nina Aries. Hala! Lagot!

Pilit kong inalis yung kamay nung leader ng coloring book sa braso ko pero lalo nila hinihigpitan at bumabaon talaga yung kuko niya.

Masakit!

"Classmates!" panimula nung leader na umagaw ng atensyon ng lahat.

Nakatingin na sila sa 'min. Masama na rin ang tingin sa 'kin ni Aries. Lumingon ako sa likod at nakita kong nanonood nga talaga ang Section E.

Lagot ka, Jay!

"Itong babae na 'to!" sabi nung leader ng coloring book habang nakaturo sa 'kin. "Binastos kami sa loob ng CR. Ako! Ako si Freya Hindalgo! Nilapastangan nitong babae na 'to!" Bigla niya kong dinuro sa ulo. Halos mabali yung leeg ko at feeling ko bumaon yung kuko niya sa anit ko.

"Aray, ah!" reklamo ko sa kaniya habang nakahawak sa ulo ko.

"Bagay lang sa 'yo 'yan! Hindi mo kami ginalang!" sigaw nung ikalawa sa pinakamaarte.

Ikaw na ngayon si Canvas-1!

"Oo nga... Hindi mo ba kami kilala?" dagdag nung huli sa pinakamaarte.

Ikaw si Canvas-2!

Tadtad kasi ng makeup yung mukha. Daig pa ang painting sa museum.

Umarte akong parang nag-iisip kahit ang totoo, hindi naman talaga.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon