Sorry
Jay-jay's POV
Pwede bang ibalik yung oras? Sana pala hindi na ko lumabas ng cubicle kanina o kaya hindi na ko nag-cr para hindi ko na-encounter tong mga coloring book na to.
Panibagong problema tong mga to. Ang sakit sa ulo!
"Anu pang hinihintay mo Jay? Luhod na.." sabi ni Freya habang nakangiti sakin.
"A-ayoko." Sagot ko sa kanya at agad na nagbago ang mood nya.
"What?! Anung ayaw mo?!" Galit na sabi nya habang nagpapapadyak.
"Jay... Just do what she said." Utos ni Aries.
Huminga ako ng malalim. Nakaka-irita sila. Silang lahat na nakapaligid sakin. Para bang kaligayahan nila ang kahihiyan ng iba.
Yung mga ganito'ng tao yung masarap patikimin ng sarili nilang gamot. Yung kasabihan sa US na 'Taste of there own medicine'. Basta sinasabi nila yun kapag binabalik nila yung lakokohan nung tao sa gumawa.
"Okay..." Sagot ko na ikinangiti ni Freya ng husto.
Dagdagan ko kaya ng kulay yung muka nito gamit ang kamao ko. Makakangiti pa kaya sya?
"Anu pang hinihintay mo? Luhod na!" Sabi ni Freya.
Excited lang? Hindi makapaghintay? Huminga muna ko ulit ng malalim. Mga ilang ulit ko ding ginawa yun.
Totoo'ng lagi akong nakikipag-away dati. Ewan ko, feeling ko mawawala yung galit na nararamdaman ko kapag nasaktan ko sila.
Pero kung meron man akong natutunan sa pakikipag-away ko, yun ay labanan ang dapat labanan at wag pag-aksayahan ng oras ang hindi dapat nilalabanan.
Sa sitwasyon ko ngayon, mas gusto kong lumaban kahit hindi na dapat patulan ang mga kagaya ni Freya.
"Gagawin ko yung gusto mo pero bago yun, hindi ba dapat mag-sorry ka muna." Sabi ko habang seryosong nakatingin kay Freya.
Bahagya syang tumawa. "Kanino? Sayo? Why would i?"
"Hindi sakin... Anu nga ulit pangalan nun?... Tss. Yun! Ella."
Bigla'ng naging seryoso ang muka ni Freya at ganun din ang dalawang Canvas na kasama nya.
Hindi lang away na suntukan ang alam kong gawin. Marunong din akong lumaban sa ibang paraan.
Biglang naging interado si Aries at bahagya'ng lumapit samin. Malinaw sakin na girlfriend nya si Ella kaya alam kong may chance na maki-alam sya.
"Kay Ella?" Tanung ni Aries at tumingin kay Freya bago ibalik ang tingin sakin.
"Bakit sakin?" May mahinhing boses na nagsalita.
Pare-pareho kaming napatingin dun at bumungad sakin ang babaeng kaakbay ni Aries dati, yung mukang Koreana. Sya yung Ella? Nagbago na isip ko, gusto ko na pala syang makilala. Mas maganda sya sa malapitan.
"W-what are you talking about? B-bakit ako mag-sorry kay Ella? Wala naman ako'ng ginawa sa kanya." Tarantang tanung ni Freya.
"Pero sinabi nyo kanina sa CR, 'Si Ella'ng malandi, lahat nalang ng famous sa school nilandi'. Narinig ko sa inyo yun."
Natigilan si Freya sa sinabi ko. Halata rin ang takot nya. Bull's eye!
Nagkuyom ang kamao ni Aries kasabay ng pagsalubong ng kilay nito at pagtitig ng masama kay Freya.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
Ficción GeneralMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?