Absent
Jay-jay's POV
Masarap palang magkulong sa kwarto. Yung may nagdadala na lang ng pagkain sa 'yo. Preso lang ang peg pero may kalayaan namang lumabas.
Sadyang ayoko lang talagang lumabas. Kahit nung weekend, hindi rin ako lumalabas. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok.
Pwede na ba akong huminto sa pag-aaral?
May kumatok sa pinto at unti-unting bumukas ang pinto. Pumasok si Tita Gema na may dala-dalang tray na may pagkain.
"Jay, kumain ka at uminom ng gamot."
Bumangon ako at umupo. "Tita, pwede po bang mag-stop na ako sa pag-aaral?"
"Bakit naman? Dahil ba do'n sa mga nang-bully sa 'yo?" May halong pag-aalala sa boses niya.
Kaysa mapaaway ako... e di iwasan ko na lang.
"Ayoko lang pong mapaaway. 'Di ba nag-promise na ako na magbabago?"
Hinawakan niya yung kamay ko at tiningnan ako sa mga mata. "Maraming paraan para labanan ang nambu-bully. Hindi lang pakikipagbasagan ng bungo ang solusyon."
Basagan ng bungo? Saan nakuha ni Tita 'yon?
"Pero kung kailangan na talaga... sige, tatanggapin namin," dagdag niya.
Binibigyan niya ako ng permiso makipag-away? Parang nabuhayan ako bigla ro'n, ah!
"Sure po kayo? Okay lang po talaga?"
"Oo... pero 'wag naman palagi." Hinawakan niya yung pisngi ko at hinimas 'yon gamit yung hinlalaki niya. "Sige na. Aalis muna ako kaya kung may kailangan ka, tawagin mo lang yung mga maid. Okay?"
"Sige po..."
Lumabas na si Tita Gema sa room. So pwede lang akong makipag-away kapag binu-bully ako at dapat minsan lang? Pwede na 'yon. At least, makakaganti na ako si ginagawa nila sa 'kin.
Kinain ko na yung dala ni Tita na pagkain. Ayokong uminom ng gamot, feeling ko kasi hindi effective. Masakit pa rin kasi yung ilong ko. Kapag tuloy humaharap ako sa salamin, nakikita ko si Rudolf yung reindeer ni Santa.
Nilalagyan ko na lang ng strip yung ilong ko. Mukha tuloy akong nagpa-nose job. Kukuha sana ako ng panibago para ilagay sa ilong ko kaya lang ubos na pala.
Lumabas kaya ako para bumili?
Sabagay, hindi masayang magkulong sa kwarto. Masarap lang pero hindi masaya. Nagpalit ako ng damit at nag-toothbrush. Bibili ako ng panibagong strip sa ilong.
Pagkatapos maghanda, kinuha ko na yung wallet ko at lumabas. Nagpaalam ako sa maid nina Tita.
Sa mall na lang siguro ako bibili. May botika naman sa mall. Mamamasyal na rin ako.
Nagpatawag ako ng taxi. Hindi ko pa kasi alam kung paano mag-commute sa mga bus or jeep papunta sa mall.
Hindi rin naman pala kalayuan yung mall. Matagal lang ang biyahe dahil sa traffic. Bumaba na ako ng taxi at inabot yung bayad.
Parang nakakahiya yata.
Ang daming tao, puro estudyante pa yung iba. Umuwi na kaya ako? Kaya lang sayang, nandito na ako. Bahala na nga.
Pagpasok ko sa mall, pinagtinginan agad ako dahil sa strip sa ilong ko.
Ngayon lang kayo nakakita nito?
Dahil tao sa mula ang tropa niyo, hindi ko alam kung saan pupunta. Buti na lang at laging may guard at utility sa paligid.
"Kuya, saan po dito ang botika niyo?" tanong ko kay manong gaurd.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMuling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Season One of Ang Mutya Ng Section E *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa g...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte