Seenzoned
Jay-jay's POV
Yung feeling ng hindi ka nag-eexist? Alam ko na ngayon. Feel na feel ko pa nga eh. Hanep kasi yan. Hindi pa rin ako pinapansin ng mga ulupong. Ilang araw na to. Malapit na mag-one week.
Seenzoned ako sa mga hinayupak na to. Hindi pa rin pumapasok ang Ci-N. Sinungaling yun! Kapag naman tinatawagan hindi sumasagot.
"Class.. Tomorrow sa gymnasium tayo. Don't forget your P.E. uniform." Sabi ng P.E. Teacher naming kapangalan ng dating artista.
"Yes Ma'am." Bored na sagot ng mga hayop kong classmate.
Natapos kami kay Miss Asunta at sumunod kay Miss Smith.
"Mag-linis nga kayo ng kwarto nyo!" Bungad nya samin.
Agree! Muka na kasing basurahan ang room namin. Muka namang mga basurero mga tao dito.
"Linisin nyo nalang ang kwarto nyo at bukas nalang ako mag-klase." Dagdag pa ni Ma'am dahilan para ganahan ang mga luko.
"Nice.. Makaka-uwi tayo maaga."
"Yes!"
"Simulan na natin."
Dyan sila magaling! Active na active pag-walang klase.
Lumabas na si Ma'am at nagtayuan na sila. Akmang tatayo na rin ako ng iabot sakin ni Keifer ang walis st dustpan.
"Dating gawi... Clean the room." sabi nya.
Papalag palang sana ko pero napansin kong wala na ang mga classmate namin. Nakalabas na at si Keifer nalang at ako ang nasa loob.
"Bakit ako na naman?"
"Because you're annoying. Do what i said or hindi kana makaka-uwi." Sabi nya at naglakad na paalis.
Paglabas nya ng room sinara na naman nya yung pinto. Anu yan? De javu?
Nangyari na to ah.
Kesa makulong ako dito, wala akong pagpipilian kundi linisin nalang. Makalat na naman yung sahig. Mga pinagkainan, papel at lupa-lupa. Makapal na rin ang agiw sa kisame pati alikabok sa paligid.
Inumpisahan kong alisin ang agiw sa kisame. Halos mabulag ako dahil sa pagka-puwing. Pagkatapos ay kumuha ako ng basahan sa sina-unang cabinet nila. Dahil may maliit na lababo naman sila naisip kong dun nalang kumuha ng tubig.
Tinanggal ko yung takip na plywood at binuksan ang gripo. May tubig pa, kayalang puro lumot. Hinayaan ko muna'ng nakabukas bago basain ang basaha'ng hawak ko.
Habang naghihintay, inalis ko na rin yung mga plywood, yero at karto'ng nakatakip sa mga gamit sa likod. Tinabi ko muna sa sulok.
Nung okay na yung tubig binasa ko na yung basahan at pinunasan ko na lahat ng dapat punasan. Pagdating sa bintana nakita ko pa sila'ng lahat sa labas na para'ng nagme-meeting.
"Anu balak Keifer?"
"Same... Paaalisin lang natin sya dito."
"What if she don't want to?"
"Edi mas lalo syang pahirapan."
"Takutin nalang natin sya..."
"We will do that but not now."
Dinig kong pinag-uusap nila. Why do i have this feeling na ako yung pinag-uusapan nila? Balak nila kong paalisin?
Ahhhhhh... Now i know! Kaya pala nila ginagawa sakin to. Pinapahirapan nila ko para mapilitan akong umalis. HAHA! Sorry guys mali kayo ng taong binangga. Kala nyo kaya nyo ko? No! No!
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?