Ghost
Jay-jay's POV
Hindi ko na-enjoy ang weekend ko. Bwisit kasi yung kanta ni Charlie Puth. Crush ko pa naman yung singer na yun. Kaya lang pinaiyak ako ng kanta nya.
Papunta na sana ako sa Dining ng marinig kong nag-uusap sila Tita Gema at Kuya Angelo. Napahinto ako kasi ako yung pinag-uusapan nila.
"Dinala nyo na sa Pschyciatris?" Tanung ni Kuya.
"Hindi pa eh... Ayoko kasing buksan ang topic na yun sa kanya." Sagot ni Tita.
"Ma.. Kailangan ni Jay-jay yun."
"Hindi ba mas mabuti kung hindi na natin sya pilitin na maalala yung nakaraan nya."
"Panu natin makakasuhan yung mga yun kung hindi makaka-pagbigay ng statement si Jay?"
"Oo nga.. pero tignan mo naman sya ngayon. Kawawa naman kung maalala nya pa yung mga nangyari sakanya."
"I know it was a trauma for her. Maybe that's the reason why she no longer remember it. But she has to---she needs to."
Ayan na naman sila. Pinipilit akong alalahanin yung mga memory na hindi ko naman talaga maalala. Kahit anung gawin ko, wala talaga.
Ang weird lang dun, naalala ko silang lahat pati mga ginagawa ko nun. Tanging nga pangyayari sa bahay lang ang hindi. Sabi nila marami daw naging asawa si Mama at karamihan sa kanila inabuso ako.
Pero bakit hindi ko sila maalala? Wala akong maalala na may nanakit sakin.
Basta nagising nalang ako sa ospital at pilit nila kong tinatanung. Hindi ko naman sila masagot kasi nga wala. Akala pa nila Amnesia pero nung nakilala ko silang lahat nag-umpisa na silang matakot.
Tapos nun, kinuha na ko ni Lola at inalagaan.
Siguro next time ko nalang iisipin yun. Hindi na ko nakapag-almusal dahil sa pinag-uusapan nila. Kinuha ko yung bike ko at mabilis na nagpidal.
Papasok na ko, sa school nalang ako bibili ng pagkain. Tropa ko naman yung tindera. Tahimik akong nagmamaneho ng may mapansin akong kotse.
Top down. Angas!
Napatingin ako dun sa lalaking nakatayo sa poste. Mukang sya yung driver. Naka-shade pa sya at naninigarilyo.
Dumiretso na ko at nilagpasan nalang sya at yung kotseng ma-angas.
"Hey Miss!" Someone called me.
Napa-preno ako at napatingin dun sa lalaking nakasandal sa poste. Lumapit naman sya sakin habang nakangiti.
"May kailangan po kayo?" Tanung ko.
"Yeah... I'm actually lost. Can you tell me the right direction to the nearest mall?" Sabi nung lalaki.
English spokening! Mukang yayamanin si Kuya. Kaya-kayang yan.
"Yes of course. Can you see that store?" Sabay turo ng tindahan sa kanto.
Nag-nod naman sya.
"You can ask them for direction. Not me. I'm just new here." Sabi ko at mabilis na nagpidal paalis.
Hahaha.. Pasensya na! Wala pa kong alam dito. Isang beses pa nga lang ako nagpunta sa mall eh.
Nasa tapat na ko ng school ng bigla nalang may humintong kotse sa harap ko. Muntik pa kong mabangga, buti nalang nakapag-preno agad ako.
"Hoy! Anu----" napatigil ako ng makita yung kotse.
Eto yung ma-angas na kotse. Tinignan ko yung driver. Si Kuyang Yayamanin na nagtanung ng direksyon sakin. Problema nito?
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?