Family
Jay-jay's POV
Para ako'ng bata'ng kinakagalitan ng magulang. Well... Bata pa naman ako at kinakagalitan din, hindi nga lang ng sarili ko'ng magulang.
"Anu na naman ba'ng pumasok sa isip mo?" Tanung sakin ni Kuya Angelo.
Kaharap sila Tita Gema at Tito Julz andito rin si Aries. Hindi ako makapag-salita. Hindi ko masabi yung totoo. Baka kasi kuhanan din ni Aries at i-post. Sayang effort ko pagnagkataon.
"Sumagot ka!" Galit na si Kuya.
"Kasi..."
"Jay... Kung pera lang ang kailangan mo, hindi problema samin yun." Singit ni Tita Gema sa usapan.
Nakayuko lang ako at hindi sumasagot sa kanila. Alam ko nama'ng malalaman din nila to. Handa naman ako sa sasabihin nila.
"Angelo, hayaan mo muna sya. Baka hindi pa sya handa'ng magsalita." Sabi ni Tito Julz.
Umalis si Aries kasunod si Tito Julz. Sumunod din si Tita Gema pero nagpa-iwan si Kuya.
"Ikaw ba magsasabi ng totoo o sa iba ko pa malalaman?"
Hindi pa rin ako makasagot. Kasi nga! Nakakatakot sya makatingin. Pailalim!
"Ok fine!" Sabi ni Kuya.
Akala ko suko na. Kinuha nya yung phone nya sa bulsa at may tinype. Muka'ng meron sya'ng tinatawagan.
"Hello Keifer..." Panimula na.
Pull Tank! Si Keifer talaga dapat ang tawagan?
"I know this is out of blue. I just want to know.... Yeah.... Can you explain it to me?"
Habang nakikinig sa paliwanag ni Keifer, nasa akin pa rin ang tingin nya.
"Ok... No. That's all." Sabi ni Kuya at binaba na yung phone nya.
May ilang minuto din sya'ng tahimik na parang nag-iisip bago magsalita.
"Palalagpasin ko to... Pero sana wag mo na ulutin. Hindi ka bayani."
Tipid na tango lang ang sinagot ko sa kanya. Muka'ng napaliwanag naman lahat ni Keifer sakanya yung gusto nya malaman.
May narinig kami'ng busina galing sa labas ng bahay. Sila Lola!
Mabilis na naglakad si Kuya para salubungin ang bisita. Samantalang ako dahan-dahan lang at nagtago muna sa gilid kung saan hindi ako agad makikita.
"Lola!" Tawag ni Aries kay Lola.
Buti pa sya kaya'ng batiin ng buong galak si Lola.
"Kamusta Apo?!" Balik na bati ni Lola sabay yakap.
"Nay!" Si Tita Gema naman ang yumakap sa kanya.
Kasunod na ni Lola si Tita Jenny. Kapatid din ni Tita Gema. Sya ang laging kasama ni Lola nito'ng mga nakaraan dahil na rin siguro sa nangyari sa kanya.
"Kamusta Gema?" Bati ni Tita Jenny.
Agad na yumakap si Tita Gema dito. "Ayos lang? Ang mga bata nasaan?"
"Andyan sa labas..."
Mga pinsan nami'ng talipandas ang tinutukoy ni Tita Gema. Kambal sila at lagi nalang ako'ng inaaway dati.
Kambal parusa!
Lumabas si Aries para puntahan yung kambal.
"Asan si Jay?" Tanung ni Lola.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?