Chapter 109

1M 36.5K 28.5K
                                    

Watson vs Hanamitchi

Jay-jay's POV

Hay...

Kelan pa kaya? Kelan pa kaya matatapos lahat ng isipin ko? Tungkol kay Percy at tungkol kay Papa.

At kelan din kaya titigil tong katabi ko sa kakayugyog sakin?

"Dali na... Jay-jay." Sabi ni Ci-N habang patuloy sa pagtulak sakin.

"Ayoko nga... Kayo nalang." Walang gana kong sagot.

Kasi naman! Nagyayaya na naman sila sa Mall. Manlilibre daw ng ice cream si Kit.

Sya na mayaman sa ice cream.

"Sama kana... Please..." Paki-usap pa rin ni Ci habang naka-pout at puppy eyes.

Ayoko kasi talaga. Kailangan kong mapag-isa para mapag-isapan kung ko kung panu ako makakabalik sa Hemilton University ng hindi nalalaman ni Kuya.

"Sumama kana Jay... Kailangan mo din ng pahinga mula sa mga problema mo." Sabi ni Felix.

May punto sya sa sinabi nya. Kailangan ko nga din naman ng pahinga. Pero kung gagawin ko yun, baka huli na ang lahat para sakin.

"Sumama kana... Tutulungan kitang makabalik sa Hemilton University." Biglang sabi ni Keifer dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"P-panu?"

He smirked. "I have my ways."

Yan na naman yung pang-bangko nyang linya. Gusto ko yung inaalok nya. May tiwala naman ako dito sa Hari ng mga Ulupong kaya...

"S-sige... Sasama na ko." Sagot ko dahilan para mapatayo sa tuwa si Ci-N.

"Wala ng bawian yan ah?" Sabi ni Felix.

Tumango naman ako sa kanya. Nag-apir pa sila ni Ci-N ng kamay.

Kung titignan si Felix parang hindi sya apektado nung usap tungkol kay Percy. Pero sinabi sakin nila Kit at ng iba pa na ilang beses na syang nagpapakalasing at hahanapin si Percy sa iba't ibang lugar.

Alam ko yung nararamdaman nya. Mahirap talaga, idagdag pa yung iisipin mo pa kung kelan mo sya pwedeng makita.

Naku Percy!

Pagnakita kita ulit, kukutusan kita ng malakas-lakas. Gatong-gatong na stress tong binibigay mo samin.

Stress na nga ako sa bahay, dito sa school, kay Papa at pagkatapos sya pa. Isa pa palang problema namin, uuwi na daw sila Tita Gema at Tito Julz. Yun nga lang Bad news ata ang dala nila.

Ilang beses ko ring naririnig si Kuya na may kausap sa phone nya. Puro problema sa kumpanya.

Hay...

Maaga natapos ang klase namin ngayon. Tinamad yatang magturo yung mga teacher. Pero pabor samin yun, makakapunta kami ng Mall ng maaga.

Naglalakad na ko palabas ng makasabay ko si Blaster.

"Punta tayo sa arcade... May mga bago daw silang games." Sabi nya habang nakangiti sakin.

Ngumiti lang din ako bilang sagot. Patuloy kami sa paglalakad ng mapatingin ako sa lalaking palapit samin.

Keigan?

Naka-uniform pa sya ng school nila. Hindi kasi sya dito nag-aaral sabi ni Yuri. Galit na galit yung mga mata nya at parang susugod sya sa gera.

Pare-pareho kaming napatigil at napatingin sa kanya. Paglapit nya, bigla nalang syang nanuntok. Akala ko para sakin yung suntok na yun kaya hindi ako nakagalaw, pero iba yung bumagsak.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon