Bad Day
Jay-jay's POV
Ang tagal naman mag-usap nitong dalawa na to. Samantalang papapirma lang ng waiver tong si Aries kay Kuya Angelo.
Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto ng kwarto ni Kuya. Kailangan ko din kasing magpa-pirma. Kanina pa si Aries dito, naka-30 minutes na ata.
Sandali pa kong naghintay bago tumayo si Aries at lumabas ng kwarto. Nagmadali ako sa pagpasok kaya medyo nagulat pa si Kuya.
"Hindi marunong kumatok?" Inis nyang tanung sakin.
Nag-smile nalang ako sabay peace sign.
"Kailangan mo?"
Inabot ko sa kanya yung waiver. "Papirma!"
Kinuha nya yun at akmang pipirma ng bigla syang tumigil at parang binasa pa yung mga naka-sulat.
"Hemilton University?" Tanung nya at agad naman akong tumango.
Bigla nalang nyang inabot pabalik sakin yung papel. "Wag kana sumama."
"B-bakit?"
"Hindi ka naman dyan mag-aaral. Dito ka nalang sa bahay."
"Kahit na... Sayang yun. Yung mga classmate ko sasama." Pagmamaktol ko.
Agad nya kong tinignan ng masama. "Titignan nyo lang naman yung school na yan. Manahimik ka nalang dito sa bahay."
"Ihh... Kuya..."
"Jay! Wag kang makulit!" Sigaw nya sakin.
Padabog akong lumabas ng kwarto nya. Binalibag ko din yung pagsara ng pinto ng kwarto ko.
Parang tanga kasi...
Yun lang eh, tapos hindi ako pinayagan. May sapi na naman siguro tong si Kuya. Gusto kong sumama!
Ang baduy nun, ako lang hindi kasama saming lahat.
Ayoko! Basta sasama ako!
May kung anong kalokohan ang pumasok sa isip ko. Lumapit ako sa study table ko. Hinanap ko yung papers na may pirma ni Kuya.
Hindi naman ako nabigo. Malinaw pa sa sikat ng araw ang pirma ni Kuya. Kumuha ako ng type writing at pinatong sa part ng papel na may pirma.
Kids! Don't do this at home...
Binakat ko yung pirma nya. Ng makuha ko na ng maayos, inulit ulit ko sa papel yun hangang sa kuminis na yung mga part na dapat makinis.
Bwala!
Ang mahiwagang Pirma ni Kuya. Wag lang akong mahuli, tegiru ako nito.
Agad kong niligpit ang mga ebidensya. Mahirap na, kailangan malinis ang krimen.
Wag gagayahin! Masama!
Saktong pagsiksik ko ng mga papel sa basurahan ko ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad si Kuya Angelo.
"Hindi marunong kumatok?" Inis na tanung ko sa kanya.
Agad syang sumibangot. "Tigilan mo ko."
"Kailangan mo?"
"Pupunta si Tita Jeana dito. Kakausapin ka daw nya."
Parang-p.ki,'n bn may kung anung pumitik sa utak ko ng marinig ko yung pangalan na yun. Pangalan ng tao
g pilit kong tinatawag na Mama.
"Tungkol saan?" Walang gana kong sagot at pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?