Chapter 60

1.1M 41.8K 27.8K
                                    

Author's Note: Si Kuya Michael Angelo Fernandez po sa dulo...

Two Red Line

Jay-jay's POV

6am. Eto ako at naglalakad papuntang school ng ganitong oras. Yun kasi ang usapan namin nila Eman.

Pero inaantok pa rin ako. Feeling ko hindi tumalab yung malamig na tubig na pinan-ligo ko.

"Yaaawwwnnnn...."

Kainis! Dapat talaga maaga ako natulog. Pinag-luksa ko kasi yung short ko na sinunog ni Aries.

Sumalangit nawa.

Habang naglalakad, may bigla nalang humawak sa ulo ko. Agad kong inalis yung kamay at tinignan ng masama yung gumawa nun.

"Good Morning!" Bati sakin ni Yuri.

Pfftt... Si Yuri lang pala.

"Good Morning din! Ba't ang aga mo?" Tanung ko sa kanya. Bigla nalang akong napatingin sa mata nya.

Pilit nyang iniwas yun pero hinawakan ko yung muka nya para hindi maka-galaw.

"B-bakit?"

"Naka-contacts kaba?" Tanung ko at mas lalu pang inilapit ang muka ko sa kanya.

"O-oo."

Binitiwan ko sya pero nakatingin pa rin ako sa mata nya.

"Bagay sayo... Atleast wala ng sagabal sa muka mo."

"S-Salamat."

Ngumiti ako at bumalik na sa paglalakad. Sumunod naman sya sakin.

Parang lalung gumwapo si Yuri. Ahihihihi...

Pagdating sa room, nag-uumpisa ng maglinis si Eman at si Ci-N, natutulog. Luko talaga, pumunta nga pero para matulog lang naman.

"Good Morning Eman!" Bati ko sa kanya na nilakas ko talaga para magising yung isa.

Pero walang talab. Tulog pa rin.

"Good morning... Kayo lang?" Tanung nya ng mapansing dalawa pa lang kaming pumasok.

Usapan kasi itetext yung buong klase at bahala silang magkusa na pumunta. Pero walang nag-kusa.

Ang galing galing!

Si Ci-N sana pero tulog naman. Wala kaming magagawa kung gaganyan-ganyan sya. Lumapit ako sa kanya at bahagyang niyugyog sya pero hindi pa din gumagalaw.

"Ci! Gumising ka na!" Sabi ko habang patuloy sa pagyugyog.

Unggol lang ang sinagot sya sakin. Pasaway tong bata na to!

"Hayaan mo na sya." Sabi ni Yuri habang inilalabas yung mga karton na nakatakip sa likod.

Nakaramdam naman ako ng inis. Bago lumapit kila Eman, pinitik ko muna yung tenga ni Ci-N.

Walang talab! Kingina.

Tinanggal na namin yung mga karton, yero at plywood na nakatambak sa likod. Bumungad yung shoe rack. Parang locker na walang takip.

Nakita ko na naman yung pangalan ni Ella at Keifer pati puso na nakapagitan sa kanila.

"Hindi ba natin tatanggalin mga pangalan?" Tanung ko.

"Tanggalin na siguro. Baka pagnakita ni Keifer to, maghurumintado bigla." Sagot ni Eman.

Pinagtatanggal namin yung pangalan. Inuna ko yung pangalan ni Ella Dianne Hyun. Walang ibig sabihin yun, pangalan lang talaga nya yung katapat ko.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon