Author's Note: Ang hirap ng pang-gabi... Pati utak nagiging panggabi.. hahahaha.. The long wait is over.. Salamat sa paghihintay.
+++++++++++++++++++++++++++++
Overload
Jay-jay's POV
Feeling ko sasabog na utak ko! Hindi kinaya ng powers ko at ng mga organs ko yung mga nangyayari.
Ang harsh ni Author! Pinahihirapan ako!
Sakit na nga sa ulo si Freya, may nabuntis pa tong si Denzel at yung sinabi pa ni Felix na nagpanginig sa laman ko. Anong sunod? Uulan ng Apoy?
(AlN: Gusto mo ba? Madali akong kausap.)
Scratch that!!
Anong susunod? Uulan ng pogi? Uulan ng pera o uulan ng swerte? Good news naman para maiba. Ang nega kasi ng mga nangyayari.
Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. Naaawa ako kila Denzel, magkaka-anak na sila.
Kung tutuusin hindi ko na dapat paki-alaman yun. Pero ang bata pa kasi nila. Si Denzel ang sunod kay Ci-N sa pinaka-bata.
Mag-17 pa lang daw sya next three months sabi nila Eman. Ang mga kabataan naman talaga.
Wow! Matanda kana Jay?
Alaga naman ako sa paalala ni Lola. Dahil nga pasaway ako dati, hindi nya ko tinitigilan ng sermon tungkol sa mga ganyang bagay. Kahit mag-sigawan na kami sa bahay, hindi pa rin sya titigil.
Sa totoo lang, nakakagutom ang pag-iisip. Naisip kong lumabas muna ng bahay at puntahan yung cafe na kinainan namin ni Yuri dati.
Kinuha ko yung bike ko na pinag-tyagaan ni Tito Julz ayusin. Bago sila umalis buo na ulit at ready na gamitin.
"Saan ka pupunta?" Tanung ni Aries bago ako tuluyang makalabas ng gate.
"Bibili lang." Bored kong sagot.
Hindi ko na sya hinintay magsalita. Ipapa-alala lang naman nya yung rules kemirut nya. Feeling naman nya susundin ko yun.
Manigas!
Mabilis ang pagpidal ko. Gusto ko na kasi talagang makabili. Pero pagdating dun.
Close for Renovation!
Anak ng tokinawang hapon! Paka-effort pa kong magpidal ng mabilis tapos 'Close'. Nakakasama naman ng loob tong cafe na to.
Nagpidal nalang ako ulit. Kung saan ako pupunta? Hindi ko alam. Mukang naliligaw na ko! Pero manalig lang, baka may makita akong pamilyar na lugar.
May 20 munites na ata akong paikot-ikot. Napapakanta na ko ng 'Ikot ikot lang... Ikot ikot' ni Sarah Geronimo. Naguumpisa ng mawala ang pananalig ko!
Napahinto ako sa tapat ng basketball court. Kinapa ko yung phone ko sa bulsa pero kung hindi ba naman... Arrgghh!! Iniwanan ko nga pa lang nakasaksak.
Shutang'names naman!
Naiiyak na ko! Panu kung hindi na ko makabalik?
May narinig akong nagdi-dribble sa court. May tao! Pwede akong magtanung kung saan ang papunta sa kalye namin.
Pumunta ako sa court habang tulak-tulak yung bike ko. Nakatalikod yung lalaking naglalaro mag-isa ng basketball. Tatawagin ko sana pero napahinto ako ng ma-realize kung sino yun.
Felix?
Lahat yata ng tecnique sa basketball nagawa nya at walang mintis ang pag-shoot sa bola. Mas lumapit pa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?