Hanamitchi
Keifer's POV
She look so beautiful! I still regret the day that i let her go. Sana hindi nalang ako pumayag na mapunta sya sa ibang section. Sana hangang ngayon kasama ko pa rin sya at akin pa rin sya.
My fist clenched when i saw her with that man. The man that she choose to be with instead of me. Sobrang saya ng ngiti nya at ang sarap namang sapakin ng kasama nya.
Everytime na makikita ko sila gusto kong suntukin si Aries. Inagaw nya sakin si Ella. Nilason ang isip at ipinamuka samin na patapon ang section namin.
Kung alam mo lang kung sinong kinakalaban mo Michael Aries Fernandez. You'll regret the day that you enter this school.
++++++++++++++++++++++++++++
Jay-jay's POV
Haaayyy!!! Eto na naman ako! Papasok na naman ako sa Section ng mga ulupong.
Pagdating sa room, wala pa namang nagyayari. Wala pa din si Keifer, hindi ko parin sya nakikita. Okay lang, wala naman akong paki-alam sa kanya.
Naging matiwasay naman ang mga naunang klase ko. Nakahabol na ko sa lesson. Wala pa rin yung hari ng ulupong.
Dumating ang oras ng lunch. Alam kong aagawan na naman nila ko ng pagkain and ayoko ding magpunta sa cafeteria kaya naman nagbaon nalang ako ng kanin at kaunting chutchirya.
Pero saan ako kakain?
Naalala ko na meron nga palang second floor ang building na to pero nahaharangan ng mga gamit yung hagdan.
Pero wala naman akong ibang pupuntahan. No choice!
Lumabas ako ng room at lumakad papunta sa hagdan. Sobrang daming tambak na gamit pero kahit ganun meron pading daan para maka-akyat.
Pinilit kong makadaan. Sa bawat hakbang ko naglalabasan yung mga lamok. Baka naman ma-dengue pa ko dito.
Nakarating ako sa second floor. Sinilip-silip ko muna baka may tao'ng makakita sakin. Naupo ako sa hagdan, inilabas yung baon ko. Tahimik akong ngumunguya at ngmumuni-muni tungkol sa mga lesson at syempre kung bakit parang hindi ata pumasok yung Presidente nila.
"Hoy!"
"Pfffftttt.... Hayop!" Nabuga ko yung nginunguya ko sa gulat don sa sumigaw.
Tinignan ko kung sino'ng animal yun. Si Keifer, yung presidente at hari ng mga ulupong. Kala ko hindi pumasok to!
Mukang kanina pa sya nakatambay dito sa second floor.
Tinignan ko sya ng masama. "Gago ka ay.."
"Whatever.." bigla syang umupo sa tabi ko. Tinignan nya yung pagkain ko. "..Ano ulam mo?"
"Paki mo?!"
"Tss. I'm trying to be nice here!" Sigaw nya sakin.
Medyo napahiya ako dun kaya napayuko ako. Bastos ko nga naman kasi!
"Tss. Piniritong Asuhos." sagot ko.
Hndi naman kasi ako nakapag-paluto, kinuha ko lang yung natira'ng ulam nung umaga o gabi pa yata to.
Nagulat ako ng agawin nya yung baunan ko.
"Kahit anu pa yan... Pahingi nalang ako." Sabi nya sumubo ng kanin at ulam.
Napatanga nalang ako habang naka-nga-nga sa kanya. Para kasing ibang tao sya. Halatang gutom dahil sa bilis ng pag-nguya.
Binalik nya sakin yung baunan matapos nyang sumubo ng isa or dalawang beses.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?