Festival Day 2
Jay-jay's POV
Yung feeling ng hindi natulog dahil sa sobrang takot! Eto yun eh! Kinginang White Lady yun!
Ayoko talaga sa multo. Hindi ko nga alam kung panu kami naka-alis dun. Busit!
Papunta ako ngayon sa covered court ng school. Meron kasing laro, gusto ko pa ring mapanood kahit sandali. Buti nalang at late na nag-umpisa, pag-uwi ko kasi sa bahay nakatulog ako at late na nagising.
Nakita ko sila Ci-N na malapit sa bench ng team player ng school namin. Pumunta kagad ako dun, nakisiksik at halos isumpa na ko ng mga taong ginigitgit ko.
Lakompaki sa inyo!
"Dito ka Jay!" Sabi ni Ci-N sakin.
Umupo naman ako sa tabi nya. Dun ko lang napansin na katabi ko pala si Felix sa kabilang side. Nginitian ko sya at inalok ng dala kong pagkain.
Tinignan muna nya yun at ako. Nagpilit sya ng ngiti at kumuha. Ramdam kong pilit din nyang inaayos yung sa pagitan naming dalawa.
Sadyang nahihirapan lang talaga sya.
"Lincoln High daw ang kalaban! Madadaya yung mga yun!" Sigaw ng kung sino mula sa harap namin.
"Lincoln High?"
"Edi yung school nung bestfriend mo! Hahaha si Ram!" Sagot ni Ci-N na nagpatigil sa buong Section E.
Hindi yata makaramdam ang taong to! Pilit ko na ngang kinakalimutan yung nangyari papaalala pa.
"Wag mo syang pansinin Jay." Sabi sakin ni Felix.
Biglang may umubo sa microphone, umalingaw-ngaw ang natinis na tunog nito. Sa may court gumitna ang pinaka-iinisan kong babae sa mundong ibabaw. Si Freya!
"HELLO HVIS! WELCOME LINCOLN HIGH!" Sigaw ni Freya.
Malakas na hiyawan ang sinagot ng mga nanunuod. Muntik ng humilaw yung tenga ko sa lakas ng hiyawan.
"SIMULAN NA NATIN ANG GAME 1!" Sigaw nya ulit.
"LINCOLN HIGH FOR THE WIN!"
"HVIS! HVIS! HVIS! HVIS!"
Nangingibabaw ang pangalan ng bawat school. Kung palakasan lang ng sigaw ang labanan----ay panalo si Freya!
"LADIES AND GENTLEMEN! HVIS SHARK SLAYER!!" sigaw na naman ni Freya at malakas na dagundong ang yumanig sa court.
Lumabas mula sa sulok ang player ng school namin. Kasama si Kiko at Mykel. White and Blue ang kulay ng jersey nila, samantalang may simbolo ng pating yung barcity jacket nila.
"AND OUR GUEST PLAYER! LINCOLN HIGH BULL FIGHTER!" Sigaw na naman ni Freya-----tang'na! Nakakarindi!
Naghiyawan na naman ang mga nanunuod pero hindi kagaya kanina hindi na ganun kalakas.
Kulay Pula at dilaw ang kulay ng Jersey ng Lincoln High. Simbolo naman ng toro yung nasa Barcity Jacket nila.
"AT ANG ATING GUEST HONOR! MULA SA MGA KILALANG UNIVERSITY! MR. CHEN, MR. AGONCILLO, MR. PARAS and MR. HAN." Dagdag ni Freya-----Last mo na yan!
Sa wakas! Umalis na si Freya mula sa gitna.
Sandaling nag-warm up ang mga player pero kahit ganun, dama yung palitan ng matalim na tingin sa nagkabilang grupo.
Sumipol ang referee at nagpunta na sa ginta ang lahat. Sandali silang nag-usap at bumalik na bench yung ibang player. Naiwan yung tig-lima at pumwesto.
Pagbato ng bola, nagsimula na ang laro. Napatingin ako kay Felix na mahigpit ang hawak sa gym bag nya.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?