Chapter 99

1M 38.4K 23.6K
                                    

Marker

Jay-jay's POV

Lutang...

Yan ang utak ko ngayon. Nakaka-stress ang mga pangyayari. Nakaka-stress si Percy, nakaka-stress ang school at nakaka-stress tong katabi ko!

"Akin na nga yang cellphone ko!" Sigaw ko habang pilit kinukuha yung cellphone ko.

"Sandali! May tinitignan ako!" Sagot sakin ng Hari ng mga Ulupong. "...Sigurado kabang cellphone mo to? Puro muka ni Ci-N yung nakikita ko."

Wag na sya magtaka kung ako sa kanya. Tuwing hahawakan ni Ci yung phone ko, nagiging Selfie Lord ang luko. Idadamay pa minsan sila Eren at pati natutulog na David.

"Wag ka nga maningin ng picture!" Sigaw ko.

Bigla nalang sya tumawa. Yung tawang halatang natuwa sa nakita nya.

Hinarap nya sakin yung screen ng phone ko. Isa-isa nyang si-nwipe yung mga picture.

Eto na nga ba sinasabi ko eh!

Mga stolen shot ko yun na sure akong kagagawan ni Ci-N. Meron pang naka-nganga at nakapikit. Meron ding naniningkit yung mata ko.

Kingina!

"Tantanan mo nga yan!" Utos ko sa kanya.

Nilabas nya yung phone nya at merong pinindot. Hindi ko alam kung sinong aning na espirito yung sumapi sa loob ng katawan nitong si Keifer.

Pinaalis nya si Ci-N sa upuan at sya ang naupo. Tuwing titignan ko yung phone ko, nakikitingin din sya. Hindi pa nga ako natatapos sa stress na dinanas ko dahil kay Percy tapos dadagdag pa sya.

Pilit kong sinilip yung ginagawa ng luko.

Hayop!

Pinapasa nya yung picture ko sa cellphone nya. Agad kong inagaw yung phone ko.

"Hoy! Bastos ka!" Sigaw sakin ni Keifer.

Hindi ko sya pinansin at tignan yung phone ko-----err, hindi yata akin to.

Tinignan kong mabuti yung hawak ko. Hindi talaga akin to, dahil hindi naman si Ella at Keifer ang wallpaper ko. Agad kong binalik yung phone kay Keifer at kinuha ko yung sakin talaga.

"Kuha kasi ng kuha..." Sermon nya.

Hindi ko sya pinansin. Lakas kasi maka-imbyerna ng wallpaper nya. Hindi ko alam kung yung nga yung dahilan, basta naiinis ako!

Dumating na si Sir Alvin, akala ko aalis na tong isa sa upuan ni Ci-N pero humilata pa ang walang hiya.

Ayoko sya katabi.

Marami pa namang bakanteng upuan pero ayokong maupo don, sure akong susunod din tong isa dahil sa dami ng bakanteng upuan. Tumingin ako sa likod at nakita ko yung dating pwesto ni Keifer----bakante.

Tumayo ako at agad na lumipat sa upuan nya. Medyo nagulat pa si Yuri na katabi ng pwesto ni Keifer.

"B-bakit lumipat ka?" Tanung nya sakin.

"Ayoko dun... Bwisit si Keifer." Bulong ko sa kanya.

Kung tutuusin hindi dapat ako dito pumwesto. Kasi nga dapat lumalayo ako sa kanilang dalawa.

Layuan!

Anong gagawin ko? Lapit sila ng lapit sakin. Pinaparamdam na pareho talaga silang concern.

Pagtingin ko sa harap, dun ko lang na-relaize na magkatapat pala kami ni Keifer. May dalawang lamesang pagitan. Kitang kita rin nya ko mula dito.

May bigla nalang naupo sa tabi ko. Akala ko isa sa mga ulupong pero hindi pala. Yung kakaiba sa lahat ng mga ulupong.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon