Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

Chapter 5

1.8M 53.3K 23.5K
                                    

Dreams

Yuri's POV

Blurred ang paligid. Walang malinaw pero may nakikita akong gumagalaw. Lumapit ako ro'n at unti-unting lumiwag at luminaw ang lahat.

Si Ella, nagluluto siya at nakasuot ng apron.

"Ella? A-ano'ng ginagawa mo dito?"

Tiningnan niya ko at ngumiti.

"'Diba ito ang gusto mo? Ang makasama ako?"

Tama siya. 'Yon ang gusto ko. Pero bakit hindi ako masaya? Dahil ba alam ko na hindi ako ang mahal niya?

"You should leave."

Tiningnan niya ko nang may pag-aalala. Umiwas lang ako ng tingin. Bigla na lang niyang binato yung sandok na hawak niya at sinira ang apron suot niya.

"Why do you keep on pushing people that love you away from you?"

Bigla na lang akong nagising na basa ng pawis. Ayoko ng panaginip na 'yon. Ayoko siyang napapanaginipan. Matagal ko na siyang kinalimutan.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Bastardo! Walang nagmamahal sa 'yo!" sigaw ng kapitbahay naming bata sa 'kin.

Wala akong nagawa kundi ang umuwi sa 'min at magmukmok sa kwarto. Ano'ng gagawin ko? ang bata ko pa, ang liit ko kumpara sa kaniya. At isa pa, yung mga sinabi niya ay totoo. Walang nagmamahal sa 'kin.

Pinilit kong gisingin ang sarili ko sa panaginip na 'yon. Bangungot 'yon!

Napahawak na lang ako sa mata ko. Basa 'yon ng luha. Umiiyak pa rin ako nang dahil sa parehong panaginip. Ayokong umiiyak nang dahil do'n. Walang dahilan para iyakan ko yung panaginip na 'yon!

Bumangon ako sa pagkakahiga at dumeretso sa banyo para maghilamos. Tumingin ako sandali sa wall clock sa kwarto ko, 5:30 pa lang ng umaga.

Pagkatapos no'n, lumabas na ako at nagpunta sa kusina. Sa totoo lang, wala akong gana sa kahit na anong bagay pero kailangan kong maghanda ng almusal. Nahihiya kasi ako kina Tita Gema kaya ako na ang gumagawa kahit marami silang katulong. 'Yon nga lang, mukhang nahuli na ako.

Nakahanda na ang almusal. Sayang yung bangon ko. Hanu ba 'yan?

"Haba naman ng nguso mo?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Kuya Angelo!

Lumapit siya sa 'kin at ginulo yung buhok ko. "Mag-almusal ka na."

Kaya lang, hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Kinagalitan niya kasi ako bago siya umalis. Medyo takot din kasi ako sa kaniya.

May ginawa ba akong kalokohan nitong nakaraan?

Kapatid siya ni Aries, panganay na anak ni Tita Gema.

"Jay, ano pang tinatanga mo diyan?"

"K-kuya, kailan ka pa nakabalik?"

"Kaninang 3am. Sa condo sana ko dederetso kaya lang gusto ko muna sanang makita si Mama."

Nag-nod lang ako. Galing kasi siyang Singapore. Siya na kasi ang nag-aasikaso ng mga business nina Tita ro'n. Huli kaming nagkita nung nasa ospital si Lola.

Tanda ko pa yung itsura niya no'n, kulang na lang ibaon niya ako nang buhay. Buti na lang mukhang good mood siya ngayon.

"Si Aries ba hindi pa rin umuuwi?" tanong niya habang nagtitimpla ng kape.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon