Flashlight
Jay-jay's POV
Yung ilang araw ka ng hindi makatulog sa hindi mo maintindihan na dahilan. Wala ka namang iniisip na kung anu basta hindi ka lang makatulog.
Kagaya ngayon, gustong gusto ko ng matulog pero hindi ako makatulog. Wala naman akong ibang iniisip.
Talaga ba?
Oo na! Meron na!
Kainis kasi tong Hari ng mga Ulupong! Lakas maka-baliw at maka-aning. May sometimes na yata ako sa utak.
Kinuha ko yung phone ko at pinanuod ulit yung video. Yung performance nila Keifer nung Festival. Gusto ko lang panoorin tapos papatayin ko na ulit.
Kung DVD lang to, gasgas na to sakin. Ilang araw ko na kasi tong ginagawa. Bigla nalang tumunog yung phone ko at lumabas yung battery low sign.
Pvta! Ngayon pa talaga!
Napilitan akong tumayo at kuhanin yung charger nitong PESTENG CELLPHONE na to. Ngayon pa talaga sya na-lowbat? Pagka-saksak ko bigla nalang namatay lahat ng ilaw at pati AC namatay din.
Walang kuryente?!
"Aba!" Sabi ko.
Napilitan akong bunutin yung charger. Anu pa nga bang gagawin ko? Edi tumanga, hindi ko na mapapanood yung video. Gusto ko pa namang mapanuod.
Asar naman!
Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Merong bagong gudget ngayon na tinatawag nilang Power Bank. Wala nga lang ako nun.
Meron lang akong kilalang meron. Si Aries!
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Naririnig ko yung boses nila Aries at Kuya Angelo sa sala kausap yung mga maid.
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Aries. Nakabukas yung pinto, sa study table nya ko unang lumapit. Kailangan kong bilisan ang kilos ko. Ayaw nya ng pinakiki-alaman yung gamit nya.
Tepok lamok kapag nahuli!
Dahil madilim, wala akong masyadong makita. Liwanag lang kasi galing sa emergency light yung ginagamit ko na nasa labas pa ng kwarto ni Aries.
Hanap lang ako ng hanap hangang sa may liwanag na tumapat sa study table ni Aries. Natigilan ako, katapusan ko na kasi.
Napalingon ako sa ilaw na nasa likod ko. Galing yun sa flashlight sa phone na hawak-hawak ni Aries.
Kahit madilim alam kong masama ang tingin nya sakin.
"Labas!" Sigaw nya.
"T-teka lang... Peram ako nung power bank mo." Paki-usap ko.
"Ayoko!" Mabilis nyang sagot at bigla nalang akong tinulak palabas ng kwarto nya.
Naglakad akong bigo pabalik sa kwarto ko pero huminto ako. Yayamanin si Kuya Angelo, alam kong meron sya nun.
Tumakbo ako papunta sa sala kung saan ko naririnig yung boses nya.
"Kuya..." Tawag ko sa kanya. "...peram naman akong powerbank mo."
"Naiwanan ko sa office." Mabilis nyang sagot.
Naku naman!
"Ay.." sabi ko at napilitan akong bumalik sa kwarto ko.
Bigo akong humiga sa kama. Gusto ko pa naman marinig yung kantang secret. Kainis! Kainis!
Kinuha ko yung flashlight sa drawer ng bedside table. Binuksan ko yun at pinatay ulit. Bukas, patay, bukas, patay, bukas, patay, bukas, patay, bukas at patay.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?