Delivery
Jay-jay's POV
Diba dun din si Calix yung ex ni Mica?
Naalala ko kasi bigla yung sulat. Yung nakuha ko sa isa sa mga room sa second floor ng building ng Section E.
Kilala nila yung Mica.
"Ineng!" Sigaw ni Ateng Tindera.
Agad akong lumapit sa kanya. Katabi nya si Ateng kahera.
"P1,445 lahat..." Sabi ni Ateng kahera.
Agad akong kumuha ng 2,000 sa perang binigay nila sakin. At dahil hindi naman sa akin to...
"Keep the change na Ate... Tip ko nalang dyan sa kasama mong kumuha ng order ko." Sabi ko habang nakangiti.
Halatang natuwa si Ateng tindera at agad na nag-thank you sakin.
Inabot nila sakin yung kahon. Hindi naman ganun kalaki yung kahon. Kasing laki lang kahon ng chutchirya. Akala ko yun na lahat pero napansin kong iaabot pa nila sakin yung isa pang kahon.
"Teka... Bakit ang daming kahon?"
"Ineng... Ang dami mo kayang order."
Ay! Anu ba yan? Hindi ko kakayanin lahat to. Buset naman kasing Section E to!
"Ate.. Babalikan ko nalang po yan. Hindi ko po kakayanin lahat."
"S-sige.." sagot sakin ni Ate.
Agad kong binuhat yung kahon. Hindi naman mabigat pero ramdam mong may alanganing laman (ulam) sa loob.
"Dami nyang dala.."
"Anung meron?"
"Sa kanya lahat yan?"
"Baka papaka-inin nya yung buong Section E."
"Baka nga... Kaya siguro hindi sinasaktan kasi sinusuhulan nya."
"Ganun pala yun."
Anu daw? Anung suhol? Hindi no! Bakit ko gagawin yun? Kaya ko naman kaya sila.
Kaya pala ako napasunod sa utos nila ng di-oras.
Nakalabas na ko ng cafeteria. Lakad lang ako ng lakad kahit obvious naman na pinag-uusapan at pinag-titinginan ako ng mga students na maka-kita sakin.
Sige lang.. push nyo yan!
Bakit ba ang layo ng room namin?
Nakakangawit ah! Hayop kang Keifer ka, ibabato ko sayo to!
Nakarating na ko sa building namin. Nakita ko pa si Felix na naka-abang sa pinto at agad na pumasok ng makita nya ko.
"Andyan na sya!" Sigaw nung isa sa kanila.
Pagpasok ko sa halip na tulungan ako binuksan na nila agad yung box para kunin mga pagkain nila. Mga animal!
Binaba ko yung box sa isa sa mga table. Nag-inat-inat na rin ako dahil nakaka-ngalay talaga.
"Bakit wala yung akin?" Tanung nung isa.
"Yung samin din." Dagdag pa nung isa.
"Teka lang.. Meron pang isa, babalikan ko." Sabi ko at mabilis na tumakbo pabalik sa cafeteria.
Nagugutom na ko! Kelan ba matatapos tong pahirap ng Section E na to? Pagbalik sa cafeteria, mahaba na naman ang pila.
Wala akong balak maki-pila. Meron na kong order at bayad na yun. Agad akong tumakbo sa may cashier at siniksik si Kuya na naka-unahan ng pila.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?