Chapter 82

1M 43.9K 44.4K
                                    

Festival Day 3

Jay-jay's POV

Excited much! Ahihihihi...

Tutugtog na kasi sila Keifer, at yung nirequest kong Secret ng One Republic lang naman ang tutugtugin nila.

Kaya eto ako paka-abang. Naka-ready na rin yung phone ko. Kukuhanan ko sila ng video.

"Ako kukuha!" Presinta ni Ci-N.

Binigay ko naman sa kanya yung phone ko.

"Ang tagal ata magsimula..." Sabi ni David at tinignan ang oras.

Totoo! Sabi 5pm ang simula ng battle of the band pero 5:27pm na. Biglang may lumabas na lalaki sa stage at may hawak na mic. Mukang sya yung host para sa contest na to.

"ETO NA! ETO NA! ETO NA! ANG HINIHINTAY NG LAHAT!" sigaw nung lalaki na halos pumiyok na. Anu yun?

Sakit sa tenga!

"...ANG ULTIMATE BATTLE OF THE BAND!! PERO BAGO YUN, AKO NGA PALA SI RnC!" Pakilala nung host.

Pero wala akong paki sa kanya kasi ang gusto ko yung mismong laban na. Sandali pang nag-speech ang luko.

"SIMULAN NA NATIN ANG LABAN!!!" sigaw na naman nya na sinabayan naming lahat.

Parang mas gusto ko yung host kahapon, kasama yung babaeng may hawak na fishbowl.

First come first performance ang basis nila. Pangalawa na kaming dumating kaya pangalawa mag-perform sila Keifer.

Ayos yun, para hindi kami malate sa duty namin. Tutal friday pa naman malalaman kung sino yung mananalo. Nakaka-kaba tuloy!

"ANG UNANG MAGKAKALAT NG LAGIM AY ANG SECTION C! RAKKI 'N ROLLER!" sigaw ulit nung Host.

Hindi ba nagsasawa sa kakasigaw to? Ako yung nasasaktan sa ginagawa nya.

Lumabas ang Section C at si Rakki pala ang vocalist nila. Kaya siguro Rakki 'N Roller ang pangalan ng grupo.

Isang tagalog at english song ang kakantahin nila. Bahala yung banda kung alin ang mauuna.

"Anung kakantahin nila Keifer?" Tanung ng kung sino.

Napa-iktad ako, ang hina kasi ng boses at parang nangongonsensya. Si Josh pala, yung classmate naming may third eye daw.

"S-secret ng one republic yung english. Hindi ko sure yung tagalog." Sagot ko.

Nakakatakot sya. Minsan nalang kasi magsalita tapos ganyan pa. Binalik ko nalang yung tingin ko sa harap at hinintay na matapos ang Section C.

Maganda naman yung tinugtog at kinanta nila. Pero parang hindi bagay kay Rakki. Natapos silang kumanta at lumabas ulit yung host.

"MAGANDA! MAGANDA YUNG VOCALIST!" Sabi nung Host at nagulat nalang kami ng biglang tumakbo si Ci-N at akmang aakyat ng stage pero hinawakan agad sya nila David at Calix.

Hala!

"AKIN LANG YUNG VOCALIST!" sigaw ni Ci-N.

Kahit nagulat hinayaan nalang nung Host. Adik din kasi tong si Ci-N bigla-bigla nalang nagwawala.

"ILABAS NA NATIN ANG SUNOD NA MAGPAPAKITANG GILAS.... SECTION E! THE ONLY ONE!" As usual, labas tonsil na sigaw nung host.

Lumabas sila Keifer at----Wow! Naka-business attire ang mga mokong. Kompleto, pati ayos ng buhok at sapatos.

Ang gwapo ni Kei----Nila! Nilang lahat. Oo, gwapo nilang lahat.

Ang angas din ng dating ni Yuri. Lakas maka-business man!

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon