Chapter 27

1.1M 51.9K 14.4K
                                    

Japan-Japan

Yuri's POV

"Saan ba bahay nyo? Hindi ba nakakahiya sa magulang mo? Baka magalit sila? Ibaba mo nalang kaya ako dyan, papasundo nalang ako. Blah.. blah.. blah.."

Nakaka-irita! Naiinis na ko sa bunganga ng babae na to. Sana pala talaga hinayaan ko nalang sya'ng lumangoy sa baha.

Hindi ako makapaniwala na lumusong ako sa baha para lang pasakayin sya sa kotse ko. Then parang armalite yung bibig nya sa pagdaldal. She's like the female version of Ci-N.

Wala'ng pwedeng daanan papunta sa kanila kaya kahit ayoko iuuwi ko muna sya. We try to find another route pero baha pa rin.

"Yuri! Panu mo nga pala nalaman bahay namin?"

I went there before..

Hindi na kasi ako nagtanong sa kanya. Basta nalang ako nagmaneho, siguro napansin nya na papunta yon sa kanila.

"Yung village lang alam ko. Sabi sakin ni Ci-N." I answer boringly.

She just gave me short-ahh reaction. Andito na kami sa building namin kung saan ako nakatira. An 80 story building that my family own.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

Nakatingin lang ako sa malaking building sa harap. Sobrang laki! Bigla nalang dumiretso yung kotseng sinasakyan namin sa basement nung malaking building.

"Uy! Aanu tayo dito? Kala ko dun tayo sa bahay nyo?" Natataranta kong tanung.

"I live here." Bored nyang sagot.

Ha? Hindi naman bahay to eh! Building to men.

Huminto yung kotse ni Yuri sa tabi ng nagagandaha'ng kotse. Grabe! Taob yung kotse ni Yuri. Ferrari ata tong katabi ng kotse nya.

"Anu? Dyan ka nalang?" Tanung nya.

Nakababa na pala sya ng kotse. Sumunod naman ako agad. Ayokong maiwan sa basement.

Naglakad na si Yuri matapos i-lock ang kotse nya. Sunod lang ulit ako habang linga ng linga sa paligid. Ang dilim kasi, pero ang daming magaganda'ng kotse.

Pagpasok sa elevator hindi ko mapigilang hindi magtanong. Kasi naman nakaka-curious yung lugar.

"Uhmm.. Yuri, buong building na to ba yung bahay nyo?"

"Tsk! Baka! (Idiot!) Malamang hindi!"

Tinignan ko sya ng masama. Kailangan kasi sumisigaw talaga?

"Hindi mo kailanga'ng sumigaw! Tsaka anu ba yang baka na yan?! Wala namang baka dito!" Sigaw ko at biglang irap sa kanya.

Mula sa repleksyon sa pinto ng elevator, nakita kong ngumiti si Yuri at umiling-iling.

Ang sarap pagmasdan ng ngiti ni Yuri. Medyo nakakahawa rin. Bigla din akong napatingin sa mata nya sa repleksyon na kasalukuyang nakatingin sa itaas na part ng elevator. Wala syang suot na salamin.

Hanamitchi!

Hapon nga pala ang ulupong na to. Medyo singkit kasi ang mata nya pero malulam ang bandang ilalim. Ang kinis din ng muka nya, alagang papaya lang ang peg. Dinaig ang kutis ko.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon