Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 18

1.4M 44.2K 23.4K
                                    

Win or Lose

Yuri's POV

Ang alam ko sa babae, ayaw or takot sa gulo ng mga lalaki. Pero itong babae na 'to, parang nag-e-enjoy pa sa nakikita. May pahampas-hampas pa sa lamesa.

"KALIWAIN MO!" sigaw niya.

Kaliwain? What kind of word is that? Ang lakas din ng bunganga niya. Nakakarindi! Sakit sa tainga!

"'WAG KANG PAPATALO! ANO BA?!"

What the... Daig pa niya yung trainer ng isang boxer.

"HOY! WAG KANG—AHHH! TUMAYO KA!"

Fuck! Kaka-obserba ko sa kaniya, nawala sa isip ko yung laban. Bagsak na si David at hindi na makatayo. Dumudugo na rin yung gilid ng mata niya.

Nakatayo pa rin si Keifer pero hirap na sa paghinga. Nangingitim na rin yung gilid ng labi niya.

"DABID!! TUMAYO KA—-"

"SHUT UP!!" I shouted.

Tiningnan niya ako nang masama. Napakaingay kasi ng bunganga niya. Nangingibaw sa ingay na ginagawa ng iba.

Tinanguan ko si Kit senyales na tapusin na ang laban. Tumayo ulit siya sa isa sa lamesa.

"Simulan na ang bilangan! 10, 9, 8, 7..."

Sinabayan ng buong klase ang bilangan.

"...6, 5, 4, 3, 2, 1! Bagsak si David! Si Keifer ang panalo!"

It's official. Hawak na ni Keifer ang buong Section E. Magagawa na niya ang gusto niya.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

BWISIT! Naiinis ako! Bakit nanalo yung Keifer na 'yon? May nangyaring dayaan!

"Sure ako nandaya yung Keifer na 'yon," sabi ko habang nililinis ang sugat ni David. Wala man lang kasing tumulong sa kaniya. Mga balimbing yung supporters niya. Lumipat na kay Keifer nung nanalo siya.

Matapos din ang laban, lumayas silang lahat. Celebration daw! Walang naiwan kay David kaya ako na ang nagprisintang tulungan siya.

"You don't have to do this..." sabi niya habang pilit tinatabig yung kamay ko. Obvious naman na wala na siyang lakas kaya wala rin siyang magawa.

"Dapat ikaw yung nanalo..." sabi ko.

"Argh!" reklamo niya. Nadiinan ko kasi yung gilid ng mata niya.

"Sorry..." sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Kinuha ko yung alcohol sa bag ko at naglagay sa bimpong hawak ko.

"T-teka... M-masakit 'yan."

"Hindi 'yan..."

Dimampi ko yung bimpo sa mukha niya at para siyang nakuryente sa pag-igtad sa kinauupuan.

"Aww... Fuk!" sigaw niya.

"Arte nito! Nung nasuntok ka ba hindi ka nasaktan?!"

"Iba naman 'yon... Ouch!"

"Iisa lang 'yon!"

Pilit kong nilapit yung bimpo sa mukha niya. Kahit walang lakas, pilit pa rin niyang tinatabig ang kamay ko at tinatakpan ang mukha niya.

"Kulit naman, eh..."

"Hayaan mo na kasi... Gagaling din 'yan kahit hindi lagyan ng alcohol."

Pfffttt... Takot ka lang kamo sa alcohol.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon