Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte

Chapter 6

1.7M 50.4K 24.3K
                                    

Love Triangle

Jay-jay's POV

Niloloko yata akong nitong lalaki na 'to. Nakarating na kami sa school at hindi pa rin natatapos ang kuwento niya kung bakit Ci-N ang pangalan niya.

Hindi talaga ako nakikinig kaya wala akong naintindihan. Ang haba ng kuwento niya. Bigyan ko kaya ng papel, ballpen, at sobre to para ipadala na lang niya kay Ate Charo yung istorya niya? Hindi ko namalayan kung nasaan na kami dahil sa haba ng kuwento niya. Hindi ko nga sure kung may saysay pa yung mga detalye ng kuwento niya, eh.

"Kaya ayun... Ci-N na lang daw," pagtatapos niya.

Sa wakas!

"Wow... Ang galing naman ng kuwento mo." Binigyan ko siya ng plastic na ngiti. Sana lang hindi niya maramdaman na sarcastic yung pagkakasabi ko n'on. Pero mukhang hindi naman; ngumiti na naman kasi siya. Para siyang bata kapag ngumingiti. Madaldal din, parang hindi nauubusan ng kuwento.

"Pwede ba akong maghingi sa 'yo ng favor?"

Tiningnan ko lang siya at hinintay yung sasabihin niya.

"Pwede mo ba akong ibili ng pagkain sa cafeteria mamayang lunch?"

Ayun! Naalala ko na yung gusto ko itanong kay Kuya Angelo kanina. Buti na lang pala nakasabay ko 'tong mokong na 'to, sa kaniya ko na rin itatanong 'yon.

"Bakit ba hindi kayo makapunta sa cafeteria?"

Ngumiti na naman siya sa 'kin. "Wala lang... Tinatamad lang kami."

Saksakin ko kaya gilagid nito? Tingnan ko kung makangiti pa siya.

"Tsk! Bahala ka! Hindi kita ibibili mamaya!" inis na sabi ko. Binilisan ko yung lakad ko para maiwan siya pero hinabol pa rin ako.

"T-teka..." Tiningnan ko siya. "Kapag sinabi ko sa 'yo, 'wag mong sabihin kina Keifer na sa 'kin nanggaling, ah?"

"Oo... Promise, hope you die," sabi ko habang nakataas ang kanang kamay.

"Hope TO die 'yon, eh..." paglilinaw niya kabang nagkakamot ng ulo.

May kuto siguro 'to?

"Oo! Basta 'yon."

"Hindi naman sa hindi kami makapunta... Pwede naman talaga kaming pumunta, pinagbawalan lang kami ng grupo nina Keifer at Yuri."

Taka ko siyang tiningnan. "Sabi sa 'kin bawal daw kayo do'n."

"Bawal nga! Binawalan nga kami NILA..."

Tiningnan ko siya nang masama. Nakakainis din kausap 'to, eh.

"Oh, bakit kayo binawalan nina Keifer at Yuri?"

Tumingin muna siya sa paligid. Malapit na kami sa building namin kaya wala na masyadong students. Section E lang yata kasi yung nagru-room sa area na 'to.

Nang masiguro niyang wala nang estudyante sa malapit, doon lang siya nagsalita.

"Dahil sa babae... May naging classmate din kasi kaming babae bago ikaw. Mas matagal siya sa section namin kumpara sa mga nauna. Naging sila ni Keifer. Ang tsismis, ginamit lang niya si Keifer para makarating sa higher section kahit lagpas na siya ng periodical exam."

Parang lalo akong naguluhan. Ang dami niyang kuwento, ang layo naman sa tinatanong ko. Babae? Hindi kaya yung Ella Dianne 'yon?

"Teka! Akala ko ba teacher ang tutulong sa paglipat sa student? Kaya nga pinapapili ako ni Ma'am Zaragosa ng section, eh."

"Kasi... depende talaga sa average 'yon at kung may backer ka, sureball na!"

Ahh... Hindi maganda yung grades at record ko sa dati kong school. Ibig sabihin, backer ang dahilan kung bakit ako pinapalipat. Pero sino?

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon