Chapter 39

1M 64.5K 11.4K
                                    

One Last Chance

Jay-jay's POV

Ang sarap pagmasdan ng muka ni Calix ngayon. Wala akong crush sa kanya ah. May bago lang kasi. Ang aliwalas kasi ng muka nya.

Ganun pa din naman ang ayos nya. Muka pa rin'g gusgusin. Hindi nag-ahit at ang kapal ng buhok. May kakaiba lang talaga.

"Type mo naba si Calix?" Bulong sakin ni Ci-N.

Tinignan ko sya ng masama. "Type agad? Hindi ba pwedeng may bago lang sa kanya?"

Tinignan din nya si Calix at tumango-tango. May kakaiba talaga sa kanya. Hindi naman sya ngumingiti, nakasibangot pa rin.

Ganun ata talaga kapag nabawasan ang bigat na nararamdaman.

Speaking of nararamdaman...

Nararamdaman kong kailangan kong magbanyo. Sandali akong nagpa-alam kay Ci-N at mabilis na naglakad papuntang CR.

Sinilip ko muna, pati mga cubicle. Mahirap na! Nakakadala yung nangyari nun.

Habang naka-upo sa trono. Napansin ko yung mga vandalism sa pinto ng cubicle.

Love is Blind

Panget si Mayet

I Like You Yuri

Super gwapo mo Keifer

Pfffttt. Super talaga? May nagkakagusto pala sa mga mokong na to. Dapat dun nila sinulat to sa CR ng lalaki. Mababasa ba nila to kung dito ilalagay.

Kinuha ko yung pHone ko at kinuhanan ng picture yung mga vandal. Ipapakita ko sa Hari ng ulupong.

Light bulb💡

May pumasok na ideya sa utak ko. Ideya para mapatunayan na si Freya nga ang nagsabi nung 'M' word.

Mabilis akong nag-ayos at isinagawa yung plano ko. Sana lang hindi mawala yung phone ko dito.

Matapos i-set up ang mga kailangan lumabas na ko ng CR. Finger cross na sana dito mag-CR si Freya.

Nakita ko si Felix na naglalakad. Papasok pa lang siguro sya.

"Felix!" Tawag ko at tumakbo palapit sa kanya.

Pero tinignan lang nya ko. Medyo matagal na kaming hindi nag-uusap. Start nung nalaman nilang pinsan ko si Aries.

"Uy! Kamusta?" Tanung ko at ngumiti.

"Ayos lang..." Walang gana nyang sagot at muling bumalik sa paglalakad.

Anu bang problema nito?

"Huy! May ginawa ba ko sayo? Bakit ba hindi mo na ko kinakausap?"

Hindi nya ko pinansin at tuloy pa rin. Nakarating kami sa room ng hindi ako kinakausap. Bakit ba kasi?

Hindi pa ko nakakaupo ng salubungin ako ni Calix.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Tumango lang ako at sinundan sya. Sa tapat kami ng hagdan huminto.

"Bakit? May problema ba?" Tanung ko.

"Kinakabahan kasi ako..."

"Ha?"

Napahimas sya ng batok at tinignan ako. "Naging maayos yung pag-uusap namin kahit medyo... Nag-iyakan kami. Nanghingi ako ng isa pang chance pero hindi ko alam kung payag sya."

"Wala ba syang sinabi kung itetext ka nya or tatawagan?"

Umiling lang sya at tumingin sa malayo.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon