Chapter 30

1.1M 43.9K 19.6K
                                    

Explain

Keifer's POV

"Asan si Jay?" Tanung sakin ni Ci-N.

Nauna na kong bumalik sa room. Hindi naman ako kailangan don. Sinalo na ni Jay ang kaso'ng dapat na para sakin. Which is a good thing for me.

"Nasa guidance with her guardian." Bored kong sagot.

Naupo ako at nagrelax. Sure naman akong hindi mapapahamak si Jay-jay. Si Angelo ang kasama at backer nya. No wonder why Ms. Zaragoza wants to move her to a different section.

"Anung nangyari? Ginawa ba nya yung inaasahan mo?" Tanung ni Yuri.

"Yeah... She did. Handa nga syang tanggapin ang expalltion."

Tinignan ako ni Yuri na may halong pag-aalala. Worried?

"...Dumating naman ang guardian nya. Bigatin nga eh." I added.

"Who?"

"It was Michael Angelo Fernandez...  He look different from the last time that we met."

"Balita ko nga sya na CEO ng Fer Corp."

Really?!

"Kaya pala lalong umangas ang tropa mo... Sure akong papasok na rin sa company si Aries."

It's true, alam kong gagawa ng paraan si Aries para mas umangat. Yun nga lang, makaka-angat pa kaya sya sa information na hawak ko laban sa kanya.

"I don't care about there company, basta hindi pa rin tinatanggap ni Tanda ang proposal nila. Ayos na ko don." Yuri said.

"Hindi ko alam kung anung usap sa company namin at sa kanila."

"Kasi wala kang paki-alam."

I chuckled. "Yeah..."

I really don't care about anything that involve our company. Sakin pa rin naman ang bagsak ng pera nun. Maghintay lang ang tanging ginagawa ko.

"What's your next step? Your done with the test for Jay, right?"

Am i?

I smirk. "Few more test and my plan begins."

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Unbelievable! Promise?! Promise my ass!" Sigaw ni Kuya habang nagmamaneho.

Umpisa pa lang yan. Wala pa yung part na mangbabalibag sya ng gamit. Kasi naman... Sana talaga si Tita nalang nakasagot ng tawag ko.

Bigla nalang hinampas ni Kuya yung manibela ng kotse nya. Aaminin ko natatakot na ko.

Pinalabas nila ko ng guidance office bago pag-usapan yung mga eklabu-eklabu. May 30 minutes lang yung usap. Paglabas ni Kuya, okay na daw pero hindi muna nya ko pinapasok.

Ipapaliwanag daw muna nya sakin yung pinag-usapan nila. From the start nga lang na nagsalita sya kung anu-anu na sinasabi nya.

"Alam mo bang nawala na yung chance mo na malipat ng ibang section?!" Tanung ni Kuya. Bubuka pa lang sana yung bibig ko para magsalita pero nauna na sya. "Of course you know it! Or maybe not! I don't know! You don't know!"

Kasama din yan sa ginagawa nya kapag nagagalit. Sinasagot yung sariling tanung nya. Muka sya'ng praning.

"Hindi ka nga na-expelled pero babantayan kana rin ng school guidance! Kagaya ng ginagawa nila kay Keifer and Yuri!"

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon