Author's Note: Saturday na po ang next update... Thank you! Mwah! 😚😚😚
Ferris Wheel
Jay-jay's POV
Awkward!
Yan ang nangingibabaw saming tatlo ni Eren at ng Hari ng ulupong. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench sa tapat ng exit ng Horror House. Nauna pa kaming makalabas dun sa iba.
Pagdating dito wala ng nagsalita ni isa saming tatlo.
Kasalanan kasi yun ni Keifer. Ang O.A nya kasi mag-react pati tuloy ako nadala.
Kuwari pa sya!
Tsk! Madalas talaga hindi nakakatulong yung mga bulate sa utak ko.
Nakita kong lumabas ng Exit sila Ci-N kaya tumayo na ko para salubungin sila.
"Jay-jay!" Tawag nila sakin.
"Saan kayo napunta? Bakit bigla kayong nawala?" Tanung ko sa kanila.
"Bigla kasing nagtakbuhan kaya ayun..." Sagot ng isa sa kanila.
"Jay..." Tawag sakin ni Yuri. "...Okay ka lang?"
Nagpilit ako ng ngiti at nag-nod. Napatingin ako sa Exit ng mapansing may lumalabas pa.
Si Denzel at David.
"Sasakay pa bang Ferris Wheel?" Tanung ni Kit.
Pare-pareho kaming tumingin kay Keifer. Hindi sya nagsasalita, para bang gusto nya na ako yung magdesisyon.
"U-umuwi na siguro tayo..." Sabi ko.
"Pero diba gusto mong sumakay? Tara na... Hanga't nandito tayo. Baka hindi na maulit to." Sabi sakin ni Ci-N.
May punto si Ci. Baka nga hindi na maulit to. Minsan na lang kaming magkasama-samang magkaklase.
Kayalang sa nangyari kanina sa loob ng Horror House. Parang nag-iba na yung pakiramdam ko.
"Tara na! Sa Ferris wheel na kung sa Ferris Wheel!" Aya ni Keifer at mabilis na naglakad.
"Ayos!"
"Tara na Jay!"
"Sana may fireworks din sila! Kagaya sa iba!"
"Isasama ko si Mica dito sa susunod."
"Pagka-graduate natin balik tayo dito!"
"Dapat pala magpa-picture tayo!"
Pagkasabi nila nun, agad nilang nilabas yung mga phone nila. Ganun na din yung ginawa ko. Late ko na na-realize na may dala pala akong phone.
Sobrang takot ko kasi nawala na sa isip ko. May mga text at miss call ako galing kay Aries. Hindi ko muna binuksan yun at nagsimulang mag-picture picture.
Puro wacky at stolen shot ang nakukuha ko. Naglalakad na kasi kami papunta sa Ferris Wheel.
Pero bago tuluyang makarating sa pupuntahan namin nagpicture muna kami na magkakasama. Hinatak nila si Keifer para makasama.
Pagdating dun, sobrang haba ng pila.
"Hala! Baka abutan na tayo ng pagsasara ng park!" Sabi ko.
Napatingin ako sa Hari ng mga ulupong. Ayaw nga pala nito ng naghihintay. Panu na kaya to?! Baka bigla syang topakin.
"I have an idea." Sabi ni Yuri at agad na lumapit sa isang grupo ng kababaihan na nakapila.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
Genel KurguMasarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang naiiba. Kakayanin mo ba?