Chapter 125.02

972K 35.8K 29.2K
                                    

New Year, new hmmm..

Jay-jay's POV

Kung saan ako papunta? Hindi ko alam. Sinubukan kong dumiretso sa may restroom nila pero napakaraming tao. Naisip kong pumunta sa may elevator pero naka-abang si Yuri dun. Napilitan akong pumunta sa fire exit.

Kayalang... Tang'na naman! Kung kelan feel kong mag-run away dun ko pa mapapansin na nasa 34th floor pala kami.

Napa-upo nalang ako sa isang baitang ng hagdan. Dun ko na binuhos yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Sana panaginip nalang to. Sana hindi totoo yung mga narinig ko. Sana iba yung ibig sabihin nung sinabi ni Yuri.

Ayoko pang magpakasal... Ayoko!

"Jay..." Tawag ng kung sino.

Agad kong pinunasan yung nga luha ko. Hindi ko na tinignan kung sino sya.

Naupo sya sa tabi ko at iniabot sakin ang panyong hawak nya.

"Iwanan mo muna ko Kuya." Pakiusap ko pero parang mas tunog nag-uutos yun dahil na rin siguro sa sama ng loob ko.

"Noon ko pa sana ipapaliwanag sayo to pero hindi ako makakuha ng pagkakataon." Sabi nya.

Tinignan ko sya ng may galit. Gusto kong ipakita at iparamdam sa kanya yung sama ng loob ko.

"Bakit ako?! Oo, may utang na loob ako sa inyo! Pero hindi ibig sabihin nun na kontrolado nyo na lahat sakin!"

Tinignan ako ng masama ni Kuya. Alam kong nakakabastos yung mga sinabi ko at tono ng pananalita ko sa kanya.

"...Hindi nyo man lang hiningi ang opinyon ko!" Pagtutuloy ko.

"Jay... Nakausap na namin ang Mama mo tungkol----"

"At bakit sya ang kinausap nyo tungkol dito?!" Halos pasigaw kong sabi.

Lalu akong naimbyerna ng marinig ko yung sinabi nya.

"Dahil sya ang Nanay mo! Sya pa rin ang magulang mo!" Galit na sabi ni Kuya.

Aaminin ko natatakot ako. Tuwing sumisigaw si Kuya dahil sa mga ginagawa ko, nanginginig ako. Anu pa ngayon seryosong seryoso ang mga tingin nya sakin.

Pero ayokong magpatalo!

"Si Mama kinausap nyo, eh si Papa! Hiningi nyo ba permiso nya?!"

Hindi sumagot si Kuya. Tumayo sya at akmang lalakad paalis.

"Bakit ba sakin nyo ginagawa to?!" Galit na tanung ko at kasabay nun ang pagbagsak na naman ng luha ko.

Huminto si Kuya at dinig ko ang malalim na paghinga nya.

"Pamilya ka namin Jay... When Mr. Yuori ask your hand for his grand child i said 'No'. Pero pagkakataon na ang gumawa ng paraan para matuloy yun." Mahinahong paliwanag ni Kuya. Humarap sya sakin at tinignan ako. "...I hope you understand. This is not just about the company, this is also about you. Magandang buhay ang naghihintay sayo."

"Pero kuya..." Sabi ko at lalung lumakas ang pag-iyak ko. "...ayoko. Gusto kong mag-aral. Gusto kong nagtrabaho. Gusto kong makuha yung mga bagay na gusto ko ng pinagtatrabahunan ko."

"Gusto mo pala ng mga bagay na yan, sana inayos mo yung buhay mo!" Panunumbat nya.

"Kasi nga.... Kailan ko lang nalaman na gusto ko yun!" Huminga ako ng malalim. "...Kuya!"

"Jay-jay! Sundin mo ko! Pumayag na si Tita Jeana, matutuloy to sa ayaw at sa gusto mo!" Galit na sabi nya.

Nag-echo ang boses nya sa buong fire exit, dahilan para kilabutan ako. Hindi ko na naitago yung takot na kanina ko nararamdaman.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon