Chapter 44

1M 42.1K 25K
                                    

Pancakes

Jay-jay's POV

Feeling ko November 1 ngayon, o kaya semana santa. Sobrang lungkot kasi ng awra sa school. Ganto ata talaga after ng exam. Ilang araw ng ganito.

Pero wala ng mas lulungkot sakin. Yung pighati na nararamdaman ko, hindi mapapalitan ng kahit anu. Naiiyak ako!

"Wag mo isipin yun, mahal ka non." Sabi ni Ci-N.

Tinignan ko sya ng masama. "Mahal ako ng test paper ko?" Inis na tanung ko.

Ngumiti lang ang luko at nag-peace sign. Impakto! Hindi uubra sakin yan.

Nakakainis naman kasi. Wala man lang gumising sakin bago ipasa yung test paper. Ginising nila ko nung uwian na.

Naiiyak talaga ko!

Sobra-sobra'ng kahihiyan ang mangyayari sakin nito. Sana kasi, wag na nilang ipaskil yung grade. Badtrip!

"Jay.." tawag ni Ci-N. "..gusto mo ng pancakes?"

Pancakes?

"Meron ka dyan?" Tanung ko.

"Meron.. Kayalang ganito." Sabi nya at inilabas ang dalawang box ng pancake mixture.

Napangiwi ako. Makakain kaya namin yang pancake na yan ng hindi luto? Nice!

"Lakas ng loob mo mag-alok, hindi naman pala luto."

"Edi iluto.."

"Saan nam----" napatigil ako.

Meron nga pala'ng electric frying pan dito. Tumayo ako at pumunta sa likod.  Sinilip silip ko yung nasa likod ng yero, plywood at mga karton.

Kayalang hindi ko makita. Sa inis ko, pinagtatanggal ko nalang at inihagis sa kung saan. Lumipad ang alikabok, dahilan para magtayuan ang mga ulupong.

"*Ubo* Jay! Maalikabok!"

"Anu ba yan?"

"*Ubo**Ubo*"

"Jay! Itigil mo nga yan!"

Hindi ko sila pinansin at tinuloy ko lang ang pag-alis ng mga kahon. Sa inis ng mga ulupong lumabas nalang sila at ilan lang kaming natira.

"Eto..." Sabi ko at kinuha ang Electric Frying Pan.

Naka-box pa yun, mukang minsan lang nagamit. Bakit ba sila may ganito?

"Yehey! Makakapagluto na tayo!" Sabi ni Ci-N habang pumapalakpak.

Nilabas ko yun sa kahon at sinipa't sipat. Matino pa, pwede'bg pwede pa.

"Hanap ka saksakan." Utos ko.

Naghanap naman ang luko at nakatagpo sa harap. Sa tabi ng blackboard.

Isasaksak ko na sana yung plug ng meron ako'ng maalala. Hindi pa nahahalo yung pancake mixture.

"Panu pala natin lulutuin yan? Walang mangkok tsaka tubig, pati na rin panghalo."

Hindi sumagot ang Ci-N. Kinuha lang nito ang bag at inilabas ang mga laman. May mangkok, itlog, mixer at 1.5 ltr ng tubig.

"Nice..." Bulong ko. "San mo naman nakuha yang mga yan?" Tanung ko sa kanya.

"Sa bahay." Sagot nya habang binubuksan ang pancake mixture.

"Hindi naman nagalit Nanay mo, nung dalin mo yan?"

Umiling sya. "Hindi naman nila alam."

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon