Transfer
Jay-jay's POV
Haaaaaaaa! Nakakaloka! Kinakabahan ako at the same time parang natatae rin.
Simula sa araw na 'to, dito na ko mag-aaral sa Higher Value International School. Taray ng pangalan!
Malapit na ko sa room na itinuro sa 'kin ng registrar's office. According sa registration papers ko, last section daw ang E ng 4th year high school. Dito ako napunta kasi hindi naman daw gano'n kaganda ang records ko.
Hindi ko sila masisisi; pasaway rin kasi ako sa dati kong school. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa room. Maganda ang school, sa totoo lang, malawak ang school grounds at presko dahil maraming puno sa paligid.
Tingin ko mukhang magugustuhan ko rito. Sana nga.
Pagdating sa classroom, nakita kong may nakatambay na mga lalaki sa tapat ng pinto. Lima silang lalaki at pare-parehong hindi maayos ang pagkakasuot ng uniform. Medyo nakakatakot sila pero sabi nga 'Don't judge the book by its cover'.
Lumapit ako sa kanila. Pare-pareho silang tumigil sa pagsasalita at hinarap ako. Lahat sila ay tiningnan ako nang masama. Okay, medyo nakakatakot!
"Uhm... M-mga Kuya, d-dito po ba ang section E?" Bakit ako nauutal? Ano ba 'yan, nakakahiya!
Nagtinginan muna sila bago ibalik ang tingin sa 'kin. Para nila akong ini-scan mula ulo hanggang paa. May mali ba sa itsura ko?
"Hindi dito... Sa kabilang building 'yon," sagot ng lalaking kulay brown ang buhok.
"Ha? S-sabi sa registrar, dito—"
"Nilipat na! Kaya umalis ka na dito!" sigaw ng lalaking may hawak na lollipop.
Medyo natakot ako sa sigaw nila kaya mabilis akong tumakbo. Grabe naman! Kailangan talaga sigawan ako? Kundi lang ako bago dito... yari ka sa 'kin.
Tumunog na ang bell, indication na start na ng class. Samantalang ako, ito, naglalakad pa rin papunta sa classroom ko. Kainis! Nilakihan ko na ang mga hakbang ko, medyo malayo pa ang kabilang building.
Nakakapagtaka lang ang building na pinanggalingan ko. Nasa dulong part na 'yon at parang hindi pinupuntahan ng mga estudyante. Maayos pa naman ang gusali pero kupas na kupas ang pintura, puro vandalism, at nagkalat ang lumang silya o mga nasirang gamit. Dalawang floor din 'yon at merong apat or anim na room sa kalahataan. Hindi nga lang ako sure kung ginagamit lahat.
Hindi kagaya ng kaharap kong building ngayon. Bagong-bago at maganda ang pintura. Nasa apat na floor at maraming kwarto. May aircon din sa ibang room. Yayamanin!
Agad akong pumasok sa building para hanapin ang room. Nakakailang minuto na ko ng paglalakad pero parang wala akong makita. Hindi ako bulag; hindi ko lang talaga mahanap ang room ng Section E.
Hanggang sa may nakita akong classroom na may pangalan sa tabing pinto. Section lang ang nakalagay pero may naiwang marka na obvious naman na letter E.
Baka ito na 'yon!
Agad akong pumasok. Napahinto pa ang mga estudyante nang makita ako. Mga nasa 20+ students din sila.
Hinanap ko ang teacher pero wala siya. Kaya naman dumeretso na ko sa bakanteng upuan sa likod.
Nakasunod pa rin sa 'kin ang mga mata nila.
"May transferee?"
"Chicks, p're!"
"May bago pala tayo?"
Bulungan nila. Sa totoo lang, nahihiya ako o mas tamang sabihing naiirita. Ayoko ng pinag-uusapan ako at halatang ipaparinig na ako ang topic nila. Napayuko na lang ako habang nakayakap sa bag ko.

BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
Aktuelle LiteraturMuling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Season One of Ang Mutya Ng Section E *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa g...
Wattpad Original
Mayroong 19 pang mga libreng parte