Blood
Aries's POV
"PE daw ng Section E ngayon... Can we watch?" Mykel asked me.
Bakit sa 'kin siya nagpapaalam?
"Bahala kayo..."
"Sure akong nando'n si Jay-jay... Ano kaya itsura niya kapag nag-PE?" Kiko said.
Why do I have this feeling na bastos yung ini-imagine niya?
"Hoy, Kiko! Pinsan ko pa rin 'yon!"
"Bakit? May masa—"
"Babe!" Ella called me. Lumapit siya sa 'min at hinalikan ako sa pisngi.
"Pupunta kami sa gym. May practice kami. Sama ka?" she asked.
Wait! Sa gym? PE ng Section E ngayon. Keifer.
"Yeah, sure," I answered shortly.
Binigyan ako nina Kiko at Mykel ng makahulugang tingin. Alam ko namang gets nila kung bakit ako pumayag.
Naglakad na si Ella papunta sa gym at sumunod naman kami. Pagdating do'n, halos mapahinto si Ella nang makita ang buong Section E sa loob ng gym.
Inakbayan ko siya agad. I don't know why I do that but I know I have to. Masama ang tingin sa 'min ng grupo nina Kiefer at Yuri.
"Look who's back," Kiko said.
Napatingin ako sa kaniya bago tingnan kung sino yung sinasabi niya. Si David, ang laki ng pinayat niya. Muli kong tiningnan ang grupo ni Keifer pero iba ang nahagip ng paningin ko.
Si Jay-jay.
+++++++++++++++++++++++++++++
Jay-jay's POV
"Class, grab a partner!" utos ng PE teacher namin.
Batuhan bola raw muna ang gagawin namin. Pares-pares muna ang peg. Siyempre, obvious naman na walang mag-partner sa 'kin kaya hinatak ko na si Ci-N.
"Partner tayo!" sabi ko habang nakayapos sa braso niya.
Mabilis namang siyang tumango habang nakangiti. Sabay pa kaming naglakad at kulang na lang kumanta kami habang papaleng-paleng ang ulo kagaya sa mga pelikula o commercial sa TV. Feeling ko bagay talaga kaming partners o BFF ni Ci.
Humanap ako ng pwesto para sa 'min at sumunod naman siya. Kumuha ako ng bola. Kulay pula 'yon na medyo malambot, madalas gamitin sa dodgeball.
Nag-umpisa na kami ni Ci-N. Nung una, tahimik lang kami sa batuhang ginagawa namin hanggang sa may lumipad na bola sa harapan ko.
Woaahhh... Muntik na!
Muntik na akong tamaan kaya napatingin ako sa pinanggalingan n'on. Kaya lang patay malisya yung mga ulupong.
"Nakita mo kung saan galing 'yon?" tanong ko kay Ci-N.
"Ang alin?"
"Yung dumaan sa harap ko!"
"H-hindi."
Hindi ko na lang pinansin at baka aksidente lang. Bumalik kami sa ginagawa namin. Bato rito, salo ro'n, bato ulit at—woah! May lumipad na namang bola malapit sa mukha ko! Hindi lang isa, kundi dalawa.
Tumingin ulit ako sa pwedeng panggalingan. Hindi na aksidente 'yon, dalawa na, eh.
Nakita ko yung mga classmate namin. Masama ang tingin sa 'min—sa 'kin lang pala. May mga hawak silang bola. Iba-iba, pati bola ng football, tennis, volleyball, at basketball meron.

BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E
General FictionMuling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Season One of Ang Mutya Ng Section E *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa g...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte