Chapter 36

1M 40.8K 20.7K
                                    

Mica & Calix 5.0

Calix's POV

*Continuation of Flashback...*

Parang may sumaksak sakin nung sinabi nya yun. Hindi ako nakagalaw, ni hindi ko man lang sya na pigilang umalis.

Anu bang nangyayari sakin? Hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya pero, bakit nararamdaman ko to?

Bakit parang nasasaktan ako?

Hindi ko alam kung anu'ng gagawin ko.

"CALIX!" galit na tawag sakin ni Ella.

Baka nakarating na sa kanya yung nangyari.

"Ell----"

Malakas na sampal ang nagpatigil sakin. Agad sya'ng hinawakan ni Keifer na kasunod pala nya.

"SINABIHAN NA KITA! NAKITA KO SYA'NG UMIIYAK! ANU'NG GINAWA MO SA KANYA?!"

Sa totoo lang, nakakabingi ang bunganga ni Ella kapag nagagalit. Kabaligtaran nya sa karaniwang sya.

"Ella! Tama na!" Awat ni Keifer.

"ANU'NG GINAWA MO?!"

"W-wala ako'ng ginawa sa kanya."

"SINUNGALING KA!"

"Tama na! Ella! Hayaan mo muna sya!" Awat ulit ni Keifer habang hawak sya.

Pero hindi sya pinansin ni Ella. Galit pa rin itong nakatingin sakin. Deserve ko naman yan.

"H-hiwalay na kami... Nakipag-break na sya sakin." Sabi ko.

Natigilan si Ella at Keifer.

"S-sabi nya... Hindi na daw nya ko mahal."

Parang napaka-hirap sakin na sambitin yun. Hindi ko matanggap. Anu ba'ng nangyayari sakin?













Sinubukan kong tawagan si Mica pero laging nakapatay ang phone nya. Naka-block na rin ang facebook ko sa kanya.

Hindi ako makalapit sa kanya kapag nasa school. Lagi'ng naka-aligid si Mykel at iba pa. Kapag naman nakakakuha ako ng pagkakataon, mabilis na lumalayo si Mica.

Hindi na rin ako kinakausap ni Ella. Pakiramdam ko mababaliw na ko.

Alam kong mahal pa nya ko. Hindi ganun kadali mawala ang feelings. Mas mahirap pa nga'ng alamin ang naramdaman mo para sa isang tao.

Kagaya ko, ang tagal bago ko na-realize na mahal ko pala sya. Kinalaingan pa nyang mawala sa sakin bago ko maintindihan.

"Hindi ba uso pang-ahit sa inyo." Bungad sakin ni David.

Hindi na kasi ako nakakapag-ahit. Nahihirapan din ako'ng matulog sa gabi, kaka-isip kay Mica.

"Nakalimutan ko lang mag-ahit." Walang gana ko'ng sagot.

Pag-upo ko, puro Love letter na naman ang bumungad sakin. Hinanap ko yung Love letter na gusto ko'ng makita pero wala.

Ngayon ako nagsisisi sa lahat ng ginawa ko. Sana hindi ko sya hinayaang mawala. Sana noon pa ko nalinawan sa nararamdaman ko sa kanya.

Sana meron pa kong Mica na kasama.

*End Of Flashback...*

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Huhuhuhu..." Ako yan. Habang kumakain ng isaw.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon