Chapter 5

20.1K 405 11
                                    

Chapter 5

ZCHYNEIL

"I am Levlier Strauss, your trainor. I will help you enhance your abilities when it comes to short range fighting." Humawak pa ito sa salamin niya na muntikan ng malaglag.

"For now, I will pick one student na makikipagduel sakin." Tumangin ito sa direksyon ko.

"The headmaster said mayroon na daw S-CLASS sa VH Campus 1." Nagbulungan naman ang mga tao. Tsk. This is gaining to much attention.

"Ms. Laviste, why don't you show us your skills?" Tumingin sakin ang lahat ng nasa loob ng Training Room. Dahan-dahan ako naglakad papuntang unahan. Hinahawi ng hangin ang aking abong buhok kaya pinuyod ko ito saktong natapos ako ng makarating na ako sa harapan.

Di pa ako nakakapwesto ay umatake na ito sakin. Pinaulanan ako nito ng suntok na sinasangga ko gamit ang iisang kamay.

"Don't hold back, Ms. Laviste. Let me see how strong you are or are you really strong?" He mocked me. Di ko na dapat pang seryosohin ang laban pero minamaliit niya ako. I smirked. "Let's see if you can fckin' say that later."

Ng makahanap ako ng tyempo ay sinutok ko ito sa tagiliran at saka hinigit ang kamay upang ibalibag.

Pero bumaliktad ang sitwasyon dahil bago ko pa siya maibilibag at umikot ito at hinawakan ang kamay ko upang ako naman ang ibilibag pero umikot ako at saka nagturning long kick.

Sumakto ang paa ko sa ulo niya kung kaya't idiniin ko ito hanggang sa mapunta ang mukha niya sa lupa.

"Argh!" Sigaw nito. Timingin ito sa akin at saka hinigit ang paa ko kaya napasadsad rin ako sa lupa. Tinadyak ko ang paa ko para makawala kaya naipit ang kamay niya.

Parehas kaming mabilis tumayo. Wala na akong inaksayang oras at tinadyakan siya sa kanyang tiyan. Napaatras naman ito kaya tumalon ako at umikot at sinipa naman ang kanyang ulo saka sinuntok ang bandang puso nito.

Napaupo ito sa lupa ngunit tumayo ulit. Nanginginig na ang paa nito. Marahil dahil sa sakit ng pagsipa ko sa sikmura nito. Kitang kita ko ang inis sa mukha nito. Mukha ng naapakan ang pride.

Sumugod ito sakin saka ako isinipa sa balikat pero agad kong nahawakan ang paa nito at  hinigit siya palusot sa gitna ng mga binti ko.

Bago pa ito makatayo ay binigyan ko ito ng suntok sa mukha at tinapakan ang dibdib saka ko binunot ang pistol sa may hita ko, kinasa at itinutok sa ulo niya.

"Now, tell me what you are sayin' earlier, Mr. Strauss." Idiniin ko pa ito sa sintido niya. The hint of fear is already evident in his eyes. He can mocked me a while ago so why is he scared now? "Now what?" Saka ko kinalabit ang gatilyo ng baril, agad naman ito napikit at napasigaw.

"Hahahaha!" Mapang-asar na tawa ko saka tinanggal ang pagkakatapak sa kanyang dibdib. Napamulat naman ito agad ng mapagtantong walang bala ang pistol ko. Nagmamadali itong tumayo, nanginginig pa ito at hindi masyadong makagalaw.

Never underestimate a Queen, btch. Pinasadahan ko ito ng tingin saka ngumisi.

Tumingin ako sa buong VH Campus 1 na nanonood sa amin na kanina pa tahimik. Nakanganga ang mga ito at pinagpapawisan. Maya-maya ay umalingawngaw ang palakpakan sa buong training room.

"Queen of VHC 1!"

"Whooooo! Queen Zchyneil!"

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon