Chapter 10

12.6K 296 0
                                    

Chapter 10

ZCHYNEIL

Pagkasambot ko ng shuriken ay agad may umatake sa akin sa likuran ko. Pinapaulanan ako nito ng suntok na nasasangga ko at naiiwasan ko.

Sinipa ko ito sa balikat at agad na lumayo. I am right, it's Marseille.

"Who are you? Why are you here? Everyone know that this is my territory and nobody is allowed here." Matalim ang mata nito sa akin. Hindi ko ito sinagot. Tutal sinimulan na rin naman niya, why don't I test his skills being a S-CLASS assassin?

May nakita akong katana sa gilid ko kaya kinuha ko ito at hinagis sa kana ang isa.

"Let's fight, if you beat me. You need to grant my wishes. If you win, I'll grant yours." I told him. Mukhang nagustohan naman nito ang deal ko kaya nagsimula na itong sumugod.

Bring it on.

Inatake na ako nito gamit ang espada na sinasangga ko naman gamit ang espada ko. Iwinasiwas nito ang espada kaya nagback flip ako para maiwasan ito. Pagkatapos noon ay sinipa ko siya ng mabilis sa sikmura kaya hindi na niya ito naagapan. Hindi pa agad ito nakatayo kaya winasiwas ko ang espada at natamaan naman siya sa balikat.

Nagdugo naman ang balikat nito at mukhang malalim ang sugat. Galit ako nitong tiningnan pero hindi ako nagpasindak at malamig ko siyang tinitigan. Tumayo ito at saka ako sinugod.

That's right, don't hold back Marseille. Show your abilities to me.

Hindi ko na malaman kung ilang minuto na kaming nagsasanggahan ng atake ng isa't isa pero isa lang masasabi ko. Para kaming sumasayaw sa hangin sa sobrang bilis ng kilos namin.

Napatingin ako dito at mukhang pagod na ito. Tumalon ako ng mataas at saka umikot at sinipa siya sa panga.  Pagkababa ko sa lupa ay hindi pa ako nakakaayos ng tayo ay iwinasiwas nito ang espada kaya umikot ako pero nahagip nito ang kaliwang mukha ko at buhok ko na ngayon ay hanggang itaas ng balikat nalang. Ang kaliwang parte ng buhok ko ay maikli na.

Nagdugo rin ang maliit na hiwa sa mukha ko. Ngumisi ako rito. Now, you got my attention dear. Hindi ko pinapagalaw ang buhok ko at ang mukha ko kahit kanino at kahit ang mukha ko ay hindi ko hinahayaang magkaroon ng sugat.

Hindi ako nag-aksaya ng panahon a at pinaulanan siya ng atake. Sinasagga nito ang espada ko pero ang iba ay nakakalagpas.

Narinig kong nagbukas ang pinto pero hindi ko iyon pinansin. Pineke ko ang atake ko sa kaliwa at biglang nilipat ito sa kanan. Nasugat ang tiyan niya dahil dito. Pinaikot ko ang espada sa kamay ko at mas binilisan ang pagsugod. Paikot ngayon ang ginagawa kong pag-atake.

Hindi nito namalayang nagfront flip ako at nakarating ako sa likod niya. Itinapat ko ang espada sa leeg niya ngunit napilipit nito ang kamay ko kaya umikot ako at sumuot sa gitna ng hita niya saka siya sinipa sa likod.

Napaluhod ito sa lupa at tumayo pero hindi pa ito nakakabawi ay sinuntok ko ito sa panga at hiniwa rin ang kaliwang pisngi. Hinagis ko ang espada sa ere. Sinipa ko siya sa tuhod at sinuntok sa dibdib. Napahawak ito sa dibdib at nalaluhod ulit.

Sinambot ko ang katana sa ere at itinapat ito sa leeg niya.

"I won." Ngisi ko dito. Napaupo naman ito sa lupa at hingal na napahiga.

"Insan! Grabe!" Napatingin ako kay Jihann at Sheol na kanina pa nanonood. Sila pala ang nagbukas ng pinto kanina.

"Zchy, yung buhok mo." Pansin naman ni Jihann sa buhok ko kaya naalala ko ito.

Nilapitan ko si Marseille at iniabot ang kamay ko sa kanya upang makatayo ito. Tinanggap naman nito ang kamay ko at inalalayan siyang umupo sa upuan.

"Do you have first aid kit here?" I asked him. Tumango naman ito at hinihingal pa rin.

"Buy us some water sa cafeteria." Sumunod naman ang dalawa at agad na umalis.

Hinanap ko ang first aid nito at nakita ko naman agad. May nakita rin akong gunting kaya lumapit ako sa salamin at pinuyudan ang buhok sa bandang naputol at tuluyang pinutol ito. Pinantay ko ang ilang lagpas at pinuntahan si Marseille upang gamutin.

Inuna ko ang tiyan nito na sobra ang dugo. Hinubad ko ang damit nito at hindi na rin naman ito umangal. Nilinis ko ang lahat ng sugat nito. Matapos lagyan ng benda ang tiyan ay ang braso naman nito ang nilagyan ko ng benda. Nilagyan ko rin ng maliit na band-aid ang kaliwang pisngi nito na may hiwa at nilagyan ng oitment ang mga pasa sa mukha.

"Tell me your wishes." He said.

"Join my gang and join Battle Royal." I told him. "Come with me to VHC 1." Dagdag ko pa rito.

"Battle Royal?" Tanong nito sa akin. So he is not familliar with it?

"It is a battle of the gangsters fighting for the Throne of Empress and Emperors." I explained. "The gang should compose of seven emperors and one empress."

"Why me?" Itinuro pa nito ang sarili na parang batang nagtataka kaya napatawa ako ng kaunti.

"Because you are an S-CLASS hacker and assassin. I need your skills." Simpleng sagot ko rito.

"Why do you want to join?" He asked. I was taken aback by his question but decided to answer him honestly.

"Actually, at first It's my dad that ordered me to join. I am not really interested but when I've learned that they are connected to the Mafia that I am looking for and being the empress gives privilages. I become interested and here I am gathering you, the emperors." Napahawak ito sa sugat niya sa tiyan.

"Actually I don't care about the Gangster Battle Royal. I am not interested being one of the emperors but since I am a man of words. Hindi ako bumabali sa pangako." He said. I think he fits being the leader of the gang.

Dumating sina Jihann na may dalang tubig. Nilapitan nila si Marseille na nakaupo sa sofa.

"Erp! I am Sheol Hades Wilson, nice meeting you. Welcome to Emperors." Masayang bati ni Sheol.

"Jihann Dagger Linville, bro." Nakipagfistbumb pa ito kaya gumawa na rin si Sheol.

"Ceruenn Monsta Marseille." Pakilala nito at ngumiti ng tipid.

Tumalikod na ako na narinig ko pang tinanong ni Ceruenn kung sino ako.

"That woman? She's Zchyneil Yleixlane Leviste and she is our empress." Proud na sagot ni Sheol. "She's our Queen." Dugtong pa ni Jihann.

Yes, I am a Queen and a venomous one.
-------

Ceruenn Monsta Marseille

(Seruwen Mansta Marseyl)

#VenomousHighWP or #VenomousWP

Use this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!

twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon