Chapter 40

7.6K 147 1
                                    

Chapter 40

ZCHYNEIL

Patulog na ako ng may kumatok sa pinto. Tommorow is the last day at the day after tommorow ay Gangster Battle Royal na.

Nagulat ako sa bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Ang Infernum na may dala-dalang unan at sleeping bag.

"Hi Empress, makikitulog kami. Sira Aircon." Saad ni Vhirium.

"Sabay-sabay nasira ang aircon niyo?" Tinaasan ko ng kilay ang mga ito.

"Aba! Empress, iiscoran ka lang ni Vhirium. Di naman namin hahayaan na makatulog siya sa kwarto mo tapos kami hindi!" Pagmamaktol ni Jiquenn. Tumatango naman sila. Si Glhiere naman ay mukhang napipilitan lang at mukhang inaantok na. Si Vien naman ay talagang pupunta dito dahil hindi niya ako hahayaang kasama si Vhirium.

"Kay Sheol ka nalang makitulog, Vhi." Mahinahon na saad ko dito pero ngumiwi ito.

"Empress, Si Sheol, Ceruenn at Jihann, naharok. Si Glhiere at Jiquenn, nangdadantay tapos si Vien. Ayoko nga katabi yan, mabaho utot niyan, Empress." Bulong pa nito sa akin na para.g may itsinitsimis sa akin. Nagkagulo naman ang emperos dahil binabadstab daw sila ni Vhirium. Hahahaha. Ewan ko ba.

"Vhirium, tangina ka! Fake news!" Ceruenn.

"Bawal magmura!" Jihann.

"Pakyu, Vhirium! Mamaya ka sa akin!" Sheol.

"Kapal ng mukha mo! Ikaw nga diyan nanghahalik!" Jiquenn.

"Fake news!" Kahit si Glhiere na tahimik ay nag-ingay na.

"Hindi mabaho utot ko." Monotone naman na pagtatangol ni Vien sa sarili niya kaya muntikan na akong matawa.

"Ah, basta pinsan, dito kami tutulog. Pasok na mga alagad!" Sheol.

Wala akong nagawa kundi patulungin silang lahat sa kwarto ko. Napabuntonghininga nalang ako. Kung inaakala niyo na, makakatulog kaming lahat ng maayos. No. Sa kakulitan palang nina Sheol, Vhiriun at Jiquenn. Malabo.

Tahimik na kaming lahat at nakaayos na sa higaan. Pikit na rin ang ilan sa emperors ng tumayo si Vhirium. Ito na sinasabi ko. Tahimik naman ako sa kama ko habang pinapanood ang gagawin niya.

Una niyang nilapitan si Jiquenn at hinimas ang dibdib nito.

"Babyyyyyyy~" Malanding sigaw nito kaya napabalikwas si Jiquenn.

"What the fck! Vhirium! Sabi na may binabalak ka sa akin!" Inis na sigaw nito kaya nagising lahat. Inihagis ni Jiquenn si Vhirium kay Glhiere na ayaw na ayaw na nagigising.

Nagmulat siya kaya takot at dahan-dahang tumayo si Glhiere at hinabol si Vhirium.

"Putangina ka, Vhirium!" Sigaw nito na mukhang galit na talaga.

"Babyyyy~ help!" Matinis na sigaw ulit ni Vhirium at natapakan si Sheol na sumali na sa habulan nila.

Siyempre hindi magpapatalo si Jiquenn sa kakulitan kaya dinaganan niya si Ceruenn at Jihann at kiniliti. Kumembot pa ito na parang bakla sa harapan ng dalawa.

"Tangina mo!" Ceruenn.

"Gusto mo talaga ng away, Ellis ha?" Jihann.

Pinatunog ng dalawa ang kanilang kamao kaya nagsimula ng tumakbo si Jiquenn at nasipa pa nito si Vien na nananahimik kaya nagsimula na rin silang mahabulan.

Hinahabol nilang lahat si Vhirium at Jiquenn ngayon at ako naman ay tumwang-tuwa at tawa ng tawang pinapanood silang magahabulan. Mga limang minuto pa ay gulong-gulo na ang kwarto ko at hindi pa rin nila nahuhuli ang dalawa.

Nagulat ako ng bigla silang huminto lahat at bumaling sa akin. Putangina. Dahan-dahan akong tumayo para sana tumakbo pero nakalapit na silang lahat sa akin.

Nakapalibot sila at saka ako inangat sa ere at kiniliti. Malakas ang kiliti ko sa buong katawan ko kaya nagsisigaw ako.

"Putangina niyo! Puta! Tulong!" Sandamakmak ang mura ko habang nagpupumiglas. Nakababa ako kaya ako naman ang gaganti.

"Humanda kayo." Ngumisi ako ng nakakatakot saka ipinagbabato sa kanila ang unan na hawak ko. Nagliparan naman ang bulak sa loob nito sa loob ng kwarto ko.

Hinampas ko ng hinampas si Vhirium habang hinahampas naman ng ibang emperors ang iba. Nagpillow fight kami.

Nasapul ko pa si Jiquenn na tumama ang likod sa kama ko. Pero agad rin itong tumayo at ibinato sa akin ang unan.

Sabay-sabay nila akong pinagtulungan pero hindi ako nagpatalo at ihinagis sa kanila ang carpet ko. Kaya natabunan silang lahat.

"Hahahahahahahaha!" Tawa ako ng tawa saka ko sila dinaganan. Lahat sila ay umaaray. Pero nagtatalon pa ako sa kanila. Nakawala sila at akl naman ang binalot nila sa carpet. Tawa lang ako ng tawa ng ihagis nila ako sa kama.

Alas dos na ng matapos kami sa paglalaro at lahat kami ay pagod na humiga sa kanya-kanyang pwesto. Hinihingal pa akong bumaba ng hagdan para kuhanan sila ng gatas.

Pagakyat ko ay tulog na silang lahat. Tinitigan ko ang mukha ng bawat emperors. Be safe sa Gangster Battle Royal. We will win taht and avenge our loveones. I love you all, Infernum.

-------

#VenomousHighWP or #VenomousWP

Use this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!

twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon