Chapter 22
ZCHYNEIL
"Putangina?" Napamulat ako kahit nanlalabo ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Jiquenn.
"Tangina, anong nangyari, Empress?" Vhirium is raging habang kandakumahog si Sheol at Ceruenn sa paghanap ng first aid. Si Jihann ay tinatawagan ang mafia doctor. Si Glhiere at Vien ay pinasok ang tatlong nakatulog dahil sa hampas ko sa batok sa kanila. Nakakuyom ang kamao ng dalawa at nanginginig sa galit.
"Putangina, sabi na hindi ka dapat namin iniwan." Magsasalita sana ako pero walang lumalabas na boses sa bunganga ko. Goddamnit.
Halos limang minuto matapos kong makapasok sa dorm ay dumating ang emperors. Malamang ay nagtaka ang mga ito kung bakit ako natagalanan kaya ito bumalik. May dala-dala pa ngang plato si Ceruenn at Sheol. Pumikit na ako dahil sobrang labo na talaga ng paningin ko.
Nakabalik na sina Sheol sa paghahanao ng first aid. Lumapit ang mga ito sa akin at hinubad ang damit ko.
"Close your eyes." Rinig kong sabi ni Sheol kina Jihann. Pero hindi nakinig ang mga ito at tinulungan pa sina Sheol na hubarin ang damit ko. Nakasports bra naman ako at hindi ako naiilang dahil halos kapatid na rin naman ang turing ko sa kanila. Naramdaman ko na may naglagay ng damit sa pay bandang sports bra ko pababa. Pinilit kong magmulat at base sa naaninag ko ay si Vien iyon.
Napapikit ako ng mariin nang dukutin na nila ang bala gamit ang gamit ang pangkuha ng bala. Fck. Sobrang sakit.
Pinagpapawisan ako ng sobra at mukhang nakaramdam ang emperors at isa sa kanila ang nagpuyod sa akin.
May humawak sa magkabilaang kamay ko kaya pinisil ko ang mga ito at dito kumuha ng lakas. They are doing it without anesthesia kaya ramdam na ramdam ko ang sakit.
"Tiis lang, Empress." Bulong ni Vhirium.
"Nasaan na ba yung doktor? Tangina?" Mukhang di na nakapagpigil si Jiquenn at hinampas ang lamesa sa galit.
"Are you damn or what? Ang layo ng campus 1 and it will take hours just for them to arrive." Mukhang si Glhiere naman ang nagsalita.
"Please don't fight." Halos walang boses na saad ko sa kanila.
Natanggal na nina Sheol ang bala at kung ano ano pa ang ginawala nila saka ito binendahan. Halos wala na akong naramdaman at nawawalan na rin ako ng senses. Huli kong naramdaman ay may bumuhat sa akin at nagdilim na ang paningin ko.
-------
"Empress, you've been sleeping for three days at nasa headquarters kami. Please wake up na. We are really worried." Basa ko sa sticky note sa gilid ng kama. Pinirmahan pa ito ng mga ugok. So cute.
Napahawak ako sa dibdib ko. I am sure, I've been ito critical condition kaya hindi ako nagising agad. Halos gilid lang ito ng puso ko at mukhang hindi oa ito maghihilom dahil malalim ito. Sinubukan kong tumayo para kumuha ng pagkain ngunit nanghihina ako. Pinilit ko ang sarili ko.
Paniguradong nag-iwan ng pagkain ang emperors. Hindi naman ako nagkamali na dahil pagbaba ko ay nakahanda na ang pagkain. Pinilit kong kumain para magkaroon ng lakas kahit papaano.
Matapos kumain ay tumayo ako at pumunta sa labas para maglakad-lakad. I need fresh air.
Obsidian Mafia is looking forward to kill me huh? I am sorry, I am a black sheep at hindi ako madaling mamamatay.
Bago ako mamatay ay sila muna bago ako. Wag nila akong intaying mapuno. Dahil putangina hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang lahat ng base nila sa Reugal.
Pumukit ako at sininghot ang fresh air na dulot ng mga punong nakapalibot sa Campus 1.
Venomous is actually known as an Island of snake. Pero ng bilhin ito ng pamilya namin ay ginawa nila ang lahat upang mawala ang mga ahas sa aming isla at itransfer sa ibang isla. That's why it is named Venomous, poisonous venom. Our logo also consist of snake.
Tahimik ang paligid pero nagulat nalang ako ng may marinig akong sumigaw.
Napaharap ako sa direksyon kung saan ko ito narinig at tinungo ito. Fck. Anong ginagawa ko? Hindi pa magaling ang tama ko ng bala pero ito na naman ako pumapasok sa isang gulo.
Nakita ko ang batang lalaking nasa apat na taong gulang na nasa harapan ng dalawang taong mukhang patay na. Base sa nakikita ko ay ito ang mga magulang niya. Naiyak ang batang lalaki habang nasa harap nito ang isang lalaking nakaitim at may hawak na baril. Itinutok nito ang baril sa bata kaya kinuha ko ang baril na hawak ng ama nitong namatay at saka ipinutok sa ulo ng lalaki.
Umiyak ng malakas ang bata. What the fck? Anong nangyayari?
Nilapitan ko ito.
"Shhh, stop crying, baby." Amo ko dito pero hindi ito tumigil.
"M-Mommy! D-Daddy!" Humaguhol pa ito at niyakap ang ama.
Nagulat ako ng magmulat ng mata ang ama. Ano mang oras ay mawawalan na ito ng hininga.
"Please take care of my son, p-please." Halos bulong nito at saka tuluyan ng pumikit.
Napapikit ako dahil nakikita ko rito si tito. Lumapit ako sa batang lalaki.
"Baby, shhh. Stop crying. My mens will handle your parents. For now let me bring you to a safe place, okay?" Umiiyak pa rin ito ngunit tahimik na. Tumango ito na parang naiintindihan ang sinasabi ko.
Gula-gulanit na ang damit nito at madungis. May dugo rin sa damit nito at mukhang hindi pa nakakain ng maayos ng ilang araw.
Tinakbo ko ang dorm at saka tinawagan si Xos upang magpadala ng tao at icremate ang magulang ng batang lalaki. I also told him to investigate what happen, prepare the adoption papers of the child at magpadala ng gamit ng bata. Dito ko siya papatirahin. It is much safer when he is with me and mas panatag ako kung nasa tabi ko siya.
I will adopt him, I will. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. I can't just put him in an orphanage when his dad told me to take care of him. I will take responsibility.
I don't break promises. Ngumiti ako sa batang pinapaliguan ko ngayon.
Dumudugo na ang benda ang sugat kong hindi pa naghihilom pero pinabayaan ko muna ito. Ang mahalaga ay ang bata.
Sa tingin ko ay may malaking dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. I hope that reasons are good enough.
-------
#VenomousHighWP or #VenomousWPUse this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!
twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista
BINABASA MO ANG
Venomous
Actioncompleted. reugal I Zchyneil Leviste, enter the Venomous High as she gathers her emperors to a group for the upcoming battle royal. As she build it, untold stories unfolds. The chambers of the deepest secrets opened. Kill or be killed. Shot or get...