Chapter 24
ZCHYNEIL
Nanlalaki ang mata ng mga emperors habang tintingnan si Ziro na papatakbo sa akin at niyakap ako.
"Momma!" Sigaw pa nito ulit at niyakap ako. Mukhang iiyak na ito kaya binuhat ko ito.
"Teka, teka. Bata, baka nagkakamali ka ng akala. Wala pang anak ang empress namin. Kaninong anak ka ba at paano ka nakapasok sa dorm namin?" Usisa dito ni Jiquenn kaya umiyak ang bata. Kinutusan naman ng anim na emperors si Jiquenn.
"Tanga ka! Pinaiyak mo, gago!" Si Ceruenn. Napakahilig talaga magmura ng lalaking ito. Pinanglakihan ko ito ng mata. Napatingin naman ako kay Vien na nakatitig sa akin. Crush ako nito, laging nakatitig sa akin, chour.
"Momma, what's gago?" Tumigil ito sa pag-iyak at ito ang unang itinanong nito sa akin.
Putangina?
Iniharap ko si Ziro sa akin kaya nakatalikod ito ngayon sa kanila. Saka ko tinutukan ng baril si Ceruenn. Napalunok ito sa akin at saka kunwaring izinipper ang bibig.
"Wait! Kanino bang anak ito? Kay Xos ba?" Si Sheol naman ang nagtanong ngayon kaya nagtawanan ang emperors.
"Patay ka kay Xos pag nalaman niya sinasabi mo." Tatawa-tawang saad ni Jihann.
"He's Ziro, my son." Napatahimik ang emperors at napaupo sa sofa ang mga ito. Pareparehas ang kilos ng mga ito kaya muntikan pa ako mapatawa.
"Seryoso? Empress?" Tanong ni Vhirium na mukhang gulat na gulat.
Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Sheol at sinugod si Vien. Teka, teka anong nangyayari?
"Vien! Nag-usap na tayo! Kelan niyo ginawa?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sheol. What? Nag-usap? Ginawa? What is he talking about?
Tahimik lang si Vien na namumula na ang buong mukha.
"Pre, makinig muna tayo kay Empress." Saad ni Ceruenn kaya himnahon si Sheol pero itinuro pa nito si Vien gamit ang dalawang daliri. Natikhim naman si Vien ng wala sa oras.
"He's four years ol---" Nagsalita ulit only to be interupted by Sheol again.
"What? So sixteen palang si Insan nun, Vien?" Tumayo na naman ito kaya niyakap na ito ni Ceruenn. Lumapit ako dito at sinabunutan si Sheol. Parang tanga. Ano bang pinagsasabi nito.
"Shut the fck up, I don't know anything." Sa wakas ay nagsalita na si Vien na kanina pa namumula. Dahil sa sinabi nito ay bumaling si Sheol kay Vhirium.
"So ikaw?" Hindi ito nagpapigil sa sabunot ko kaya tinutukan na ko na ito ng baril ng susugudin pa sana nito si Vhirium. Napaayos naman ito ng upo at napayakap kay Ceruenn. Tinanggal naman ni Jihann ang yakap nito kay Ceruenn at pumagitna sa dalawa.
"Ako na nagsorry, Empress. Ako na bahala dito, continue explaining, hehe." Sabi ni Jihann sa akin na nasa gitna parin ni Ceruenn at Sheol ngayon.
"As I was saying, he's four years old..." Napatango-tango naman ang lahat ng marinig ang kwento ko. Nakita ko namang piningot ni Ceruenn si Sheol at pinagsasabihan ito sa isang tabi.
Bumaba si Ziro sa akin at lumapit kay Vien. Tinaas nito ang kamay habang nagpapakarga. Tumingin muna si Vien sa akin saka kinarga si Ziro. May ibinulong si Ziro rito at nakita kong ngumisi si Vien, may sinabi dito si Vien kaya napakunot ang noo ko. Lumapit ako dito saka kinuha si Ziro. Binatukan ko ito.
"Anong sinasabi mo sa anak ko?" Ngumisi ito sa akin at magsasalita sana ng mapakunot ang noo nito at dumako ang tingin sa dibdib ko. Napansin kong may mantsa ng dugo rito.
"Empress, sa amin muna si Ziro ha?" Kinuha ito ni Jiquenn sa akin. Kasunod nito si Glhiere.
"Dinning room muna kami, Empress." Nagtayuan ang mga ito at pumunta sa dining room habang kinukulit nila si Ziro. Nahuli pa si Vhirium at tumingin muna ito sa akin at kay Vien saka umalis.
Nagulat ako ng higitin ni Vien ang kamay ko papuntang kwarto niya. Binuhat ako nito at saka maingat na nilapag sa kama niya, nilock nito ang pinto at saka lumapit ito sa akin kaya nataranta ako.
"Teka, anong gagawin mo?" Gusto kong bigyan ng award ang sarili ko dahil nasabi ko iyon ng hindi nauutal. Naghubad ito ng damit kaya lalo akong napalayo. Kukunin ko sana ang baril ko pero nakita ko ito sa kamay niya at ngumisi ito sa akin.
Paano niya nakuha ang baril ko? Lalabanan ko na sana siya ng malamnot lalo ang tuhod ko ng lumapit siya at itinapat ang mukha niya sa akin. Madilim ang kwarto at tanging ang konting ilaw galing sa labas lang ang tanging ilaw mayroon kami.
Lumapit pa ito kaya napapikit na ako. Fck. Amoy na amoy ko ang mint na hininga nito. Lumapat ang palad nitong mainit sa aking batok. Naramdaman kong pinuyod nito ang buhok ko at pinahiga ako sa kama.
"Nadugo ang sugat mo and you didn't even bother na linisin at palitan ng benda?" Inis na tanong nito sa akin.
"Papalitan ko naman kaso--" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito ulit.
"Kaso mamaya pa? Paano pag naubusan ka ng dugo?" Galit na tanong nito sa akin.
Kumuha ito ng first aid at saka lumapit sa akin.
"Hubad." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. What the fck? Bakit iba ang pumasok sa utak ko. Mabuti nalang at madilim kundi ay makikita nito ang namumula kong mukha.
Napabuntonghininga ito at saka lumapit sa akin. Ito na mismo ang naghubad ng damit ko. Napapikit ako ng dumampi ang mainit na palad nito sa likod ko. Damn. Ano bang nangyayari sa akin?
Para ko nang kapatid si Vien kaya baka ganito. Tama. Kapatid ang turing kay Vien. Kapatid. Tama lang na kapatid ang turing ko sa kanya.
Nagsimula na itong linisin ang sugat ko at binendahan ako. Sa mga sandaling iyon ay pilit kong kinakausap ang sarili ko na para ko ng kapatid si Vien.
Ngumiti ito sa akin at ginulo ang buhok ko. "Done."
"Thankyou, kuya." Ngumiti ako dito. Calling him Kuya is better. Di ko na nakita ang reaksyon nito at saka umalis ng kwarto.
They are all my brothers and it is impossible to love them more than brother.
-------
#VenomousHighWP or #VenomousWPUse this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!
twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista
BINABASA MO ANG
Venomous
Actioncompleted. reugal I Zchyneil Leviste, enter the Venomous High as she gathers her emperors to a group for the upcoming battle royal. As she build it, untold stories unfolds. The chambers of the deepest secrets opened. Kill or be killed. Shot or get...