Chapter 36

7.9K 159 2
                                    

Chapter 36

ZCHYNEIL

Nauna na ang emperors sa venue. Nagpahuli ako dahil sabi ni Dad ay mahuhuli daw akong pumasok kesa sa lahat dahil ipapakilala na daw niya ako sa lahat ng Campus 1 Venomians. Nag-aayos ako ng gown ko at palabas na sana ng kwarto ng may humigit sa akin papasok. Sinarado nito ang lahat ng bintana ng kwarto ko.

That perfume. Alam na alam ko kung kanino iyon. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman kong nabasa ang akin leeg. Nahikbi siya kaya niyakap ko nalang rin siya.

"I am sorry, I am sorry. They are watching me." Bulong niya sa akin. Hindi ko narinig ang huli nitong sinabi. Lalo ko itong niyakap.

"Shhh, anong problema? Vien?" Tanong ko rito. Pero lalo lang siyang umiyak sa balikat ko.

"I am so sorry baby." Paulit-ulit na sabi niya. Kaya kumalabog ang puso ko. Baby?

"I love you." Kaya napaiyak na ako. Kung mahal niya ako bakit niya ginagawa sa akin ito. Masakit na makita siyang kasama ni Gem. Masakit na sabihin niya na sawa na siya sa Infernum. Masakit ang lahat ng ginawa niya tapos sasabihin niya mahal niya ako?

"God knows how much I love you. Fck." Saad pa niya kaya napahikbi na ako at sumubsob sa leeg niya. Ang daya mo naman, Vien.

"I am sorry." Lumayo siya sa akin at saka hinalikan ang mga mata ko na lumuluha. Pinunasan nito ang luha ko at saka ako hinalikan sa labi. Malalim at mabagal na halik ang iginawad nito sa akin. That night, naramdaman ko na rin ang halik nito. I am sure that night is real.

Lumayo siya sa akin at tinitigan ako. Ito na naman ang mga mata niyang hinihigop ako. Hiniwakan ko ang pisngi nito.

"Explain." Paos na saad ko dito.

"I can't explain right now, baby. Masyado pang magulo. Please trust me." Hinawakan nito ang kamay ko na nasa pisngi niya.

"Do you trust me?" Bulong nito at saka hinalikan ang mga kamay ko na nasa palad niya. Nangungusap ang mata niya at puno ng pag-asa na magtitiwala ako sa kanya.

"Yes." Sagot ko sa kanya ng walang pag-aalinglangan. I know it's too early but I trust him. He is my home. I just hope that trusting him is the best thing I did. Dahil kapag binasag niya ang tiwala ko, hindi ko alam kung kakayanin ko.

Ngumiti siya ng malapad sa akin at nangingislap ang mga nito sa kasiyahan. Ang nga ngiti nito ay abot mata na tila ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya.

"Be my girl." Lumuhod siya sa harapan ko at kinuha sa bulsa ang isang kwintas na may pendant na ruby. Just like his name, Inferno.

Umirap naman ako sa kanya at tinasaan ito ng kilay.

"Be my girl? E may Gem ka nga!" Inis na hinampas ko sa kanya ang bag na nasa gilid ng pintuan ko. Napaaray naman ito pero nakikita ko sa labi nito na nagpipigil ito ng tawa.

"Why are you laughing?" Piningot ko ang tenga niya kaya tumawa ito ng malakas.

"Baby, we are not together okay? I just need something to her. I need to be close to her. Just trust me." Tatawa tawang sagot niya sa akin. "Do you think hindi ako nagseselos sa Cardo na yon ha? Kung nakakapatay ang tingin, baby. Matagal ng patay iyon." Biglang nagbago ang awra nito at parang papatay. Kaya ako naman ang natawa.

"Are you jealous?" Hinarap ko ito at kinurot ang pisngi niya. Pero nagulat ako ng pumunta ang kamay nito sa pwetan ko at pinisil ng bahagya kaya nanlaki ang mata ko at binatukan ito.

"How dare you!" Inis na sigaw ko sa kanya at lalabas na sana ng pinto ng higitin ako ulit nito. Tumatawa ito at may mapaglarong ngisi.

"Baby, I already touch that last night, while you are moaning my name." Lalong nanlaki ang mata ko at namula ang mukha. So it's really true! Hindi iyon panaginip.

"It's not a dream." Bulong ko na akala ko hindi niya maririnig.

"Oh yes, it's not baby. Gawin kaya ulit natin? This time ipapasok ko na." Saad nito kaya hinampas ko ito ng hinampas. Tawa naman siya ng tawa sa akin.

"Shhh." Hinila ako nito at hinalikan ang aking leeg. "It's a joke baby, but if you want. Then, wag na tayong umattend ng ball and let's only cuddle here all night." Bulong niya sa akin kaya umirap ako dito kahit sa totoo lang ay kanina pa ako kinikilig.

"So, will you be my girl?" Ulit niya sa tanong niya kanina kaya tumango ako na mas lalong nakapagpalapad ng ngiti niya. "Thankyou." Kinikilig na ani nito kaya napatawa ako. My boyfriend is so cute. It feels good to call him that way. I giggled.

"Let's keep our relationship a secret for a while, habang inaayos ko ang dapat ayusin." Napakunot ang noo ko. "Anong dapat ayusin?" Tanong ko sa kanya pero kinurot lang nito ang pisngi ko at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Ako na bahal doon baby, or sasagutin ko pero magsstay tayo sa kwarto mo at gagawa ng sariling baby natin? Sundan si Ziro?" He asked me kaya agad akong umiling ng marami.

"Perv." Inirapan ko siya kaya tumawa ito at hihirit pa sana ng kurutin ko ito. Tumawa ito at niyakap ako at kinagat ang tenga ko.

"I love you." He said.

"I love you too." I answered as he dipped down to kiss me.

Please don't break my trust, Vien. Please don't.
--------
#VenomousHighWP or #VenomousWP

Use this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!

twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon