Chapter 43
THIRD PERSON
Huling araw na ng Gangster Battle Royal. Sasabak si Jihann ngayon sa patibayan ng utak. Hinahanda niya ang sarili sa kanyang makikita sa memory projection.
Ito ay isang machine na ipapakita sayo ang pinakamasakit na nangyari sa buhay mo, ang mga hindi malalabanan ang machine ay habang buhay na makukulong sa kanyang pinakamasakit na ala-ala.
Si Jihann ay lumakad na papunta sa machine. Lubusan mang nagaalala si Zchyneil ay nanahimik nalang siya. Naniniwala siya kay Jihann.
Nangunguna ngayon ang Infernum.
Hinawakan na ni Jihann ang machine kasabay ng ibang indibidwal. Sa una ay tahimik pa sila ngunit di nagtagal ay maririnig ang iyak at sigawan ng halos lahat ng manlalaro sa loob ng battlegrounds.
Pinagpapawisan ng malamig si Jihann hindi niya alam ang kanyang gagawin. Pinapakita sa kanya ang kanyang kuya na namatay at siya na umiiyak. Tumulo na ang mga butil ng luha sa mukha ni Jihann.
Ang ilang indibidwal ay nahimatay na sila ay nakakulong na sa kanilang nakaraan. Pilit na nilalaban ni Jihann ang machine. Iniisip niya ang Infernum. Hindi siya maaring manatili sa loob kailangan niya itong labanan.
Nagpakatatag siya. Pinatigas niya ang puso niya. Buong puso niyang tinanggap na wala na ang kuya niya. Na dati ay hindi niya matanggap-tanggap. Isinaisip niya ang lahat ng sakripisyo ng kuya niya sa kanya. Hindi niya hahayaang mapunta ito sa wala. Unti-unti. Puno man ng luha ay dumilat si Jihann. Pinindot niya ang button. Siya ang natatanging tao sa loob ng battlegrounds na nagising.
Lahat ng taong hindi matanggap ang kanilang nakaraan at hindi ito makalimutan. Lahat ng taong patuloy na nagkikimkim ng galit ay tuluyan ng linamon ng kanilang nakaraan.
Proud ang Infernum kay Jihann. Soya ang pinakamahina sa emotional sa kanilang lahat ngayon siya na ang maituturing na pinakamalakas at pinakamatatag ang loob sa lahat ng taong naririto sa arena ngayon.
Huling laban na, si Zchyneil. Siya ang magtatakda ng lahat. Kailangan niyang manalo. Lalaban siya gamit ang lahat ng kanyang kakayahan sa baril, katana, dagger, short and long range fighting at lahat ng inaral niya sa nagdaan na tatlong taon.
Ang kanyang nakikita ay walang iba kundi kulay ng dugo. Pula at walang iba.
Walang emosyon ang dalagang naglalakad sa battlegrounds. Her eyes are now gold.
Puno ng armas ang katawan. Pagpito ng announcer ay wala itong sinayang na oras. Sinipa nito ang mga sumusugod sa kanya at inuunahan ang mga ito ng suntok.
Axe kick, napasuka ang sinapa niya saka siya nagturning side high kick at tinamaan ang kalaban sa panga.
Nakikipaglaban siya gamit ang paa sa harapan habang ang baril ay nakatutok at alerto sa sususgod sa kanya sa likod.
Iwinasiwas niay ang espada at tumasik ang dugo sa mukha at ilang parte ng kanyang damit ngunit wala siyang pakialam.
Hanging kick, sunod-sunod niyang pinatamaan sa mukha ang sumusugod sa kanya at pinapapatamaan ng combo.
Patuloy lang ito sa paglaban at nag 45° kick. Habang ang kanyang mga kamay ay may hawak na katana at baril. Sabay sabay niyang ginagamit ang kanyang kakayahan.
Tumalon ito ng mataas saka umikot dahilan upang masugatan ang lahat ng tamaan ang kanyang espada.
Ang kanyang baril na kusang pinapatamaan ang vitals ng isang tao.
She's a queen, indeed.
May sumugod sa kanya ng sabay sa harap at likod kung kaya't nagsplit ito kaya ang dalawang dumugod sa kanya ang nagkatamaan.
Isang minuto nalang at ia nalang ang kanyang kalaban. Lumapit siya sito at bumulong.
Pula ang nakikita siya sa paligid, walang emosyon niyang binaril sa bandang diddib ang babae.
Itinaas niya ang baril at nagpaputok sa taas. Nagsigawan ang lahat ng gangster sa arena. Ang kanilang pagwelcome sa kanilang bagong reyna.
"Let's all bow to our new Royal Empress and Emperors! Hail!" Sabi ng emcee kaya nagbow ang lahat. Nasa tabi na ni Zchyneil ang lahat ng emperors.
Inabutan ang mga ito ng korona at pinaupo sa trono. Nagsigawan at naghiyawan ang lahat. Ibinigay kay Zchyneil ang mic.
"This is Zchyneil Leviste, The Royal Empress of Gangsters, The heiress of Leviste Mafia. As my underlings, your Mafia will be my alliances and your protection will be granted. We are now allies and families. Who dares to defy me and the Infernum Phlegethon will die." Nagpalakpakan ang lahat.
Ang pagsasama-sama ng mafia at gangster ng buong Gangster at Mafia World ay ang magiging daan para halikan ng Obsidian ang lupa. Babagsak at babagsak sila sa kanilang pinangalingan.
Hindi titigil ang kanilang reyna hangga't hindi namamatay ang lahat ng may dugong Obsidian. Magkamatayan man, magkadigmaan man, dumanak man ang dugo sa kamay.
Dahil ang mata sa mata, ngipin sa ngipin.
-------
#VenomousWP or #VenomousHighWPUse this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!
twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista
BINABASA MO ANG
Venomous
Actioncompleted. reugal I Zchyneil Leviste, enter the Venomous High as she gathers her emperors to a group for the upcoming battle royal. As she build it, untold stories unfolds. The chambers of the deepest secrets opened. Kill or be killed. Shot or get...